^

True Confessions

‘Unti-unting pinapatay ang aming kapatid…’ (Ika-16 na labas)

- Ronnie M. Halos -
Editor’s note: Ang matutunghayan ay kasaysayan ni Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher na nagturo sa Wisconsin, USA noong dekada ’60.

Inatake ng aneurism si Azucena noong May 2003 at na-comatose. Hanggang sa kasalukuyan, nasa coma pa rin siya at patuloy na inaalagaan ng mga caregivers na kinuha ng kanyang asawang si Dr. Benjamin Victoria. Ang masaklap, natuklasang may relasyon si Dr. Victoria sa isa mga caregiver. Dito nag-ugat ang lahat para magsampa ng petisyon sa Korte ang walong kapatid ni Azucena para ma-terminate ang Guardianship ni Dr. Victoria at ganoon din sa mga ari-arian ng pasyente.

Ang kasaysayan ni Azucena ay nabatid ng Pilipino Star NGAYON makaraang lumapit ang isang malapit na kakilala ng kanyang pamilya para mabigyan ng atensiyon sa media ang kaawa-awang kalagayan ng pasyente.

Narito ang karugtong ng sinumpaang salaysay ni Meljoy Sanchez, isa sa mga caregiver na nag-alaga kay Azucena.
* * *
LABIS ang nadamang pag-alala ni Meljoy nang makita ang sugat ni Azucena sa braso. Sino ang may kagagawan niyon? Tiyak niyang hindi siya sapagkat maiikli ang mga kuko niya. Sumusunod siya sa pag-uutos ni Dr. Victoria na huwag magpahaba ng kuko at baka nga masugatan si Azucena. Ang isa pang ikinababahala ni Meljoy ay baka sa kanya ibintang o sa kasamahang caregiver na si Alma Rosos ang pagkakaroon ng sugat ni Azucena.

Tinanong umano ni Meljoy ang kapatid ni Shirley na si Beth na noon ay naninilbihang katulong sa bahay kung sino ang may kagagawan ng sugat sa braso ni Azucena. Ang sagot ni Beth, "Si Shirley ang nakasugat habang pinupunasan niya."

Gimbal si Meljoy sa nalaman. At tila multong bumabalik sa kanyang alaala ang mga narinig noon kina Dr. Victoria at Shirley na balak ditong unti-unting pagpatay at kapag namatay na ay maililipat na ang ari-arian ni Azucena.

Hindi naman nagkamali ng iniisip si Meljoy na maaaring silang dalawa ni Alma ang pagbintangan sa pagkakaroon ng sugat ni Azucena. Nang makita raw ni Dr. Victoria ang sugat ng asawa ay tinanong daw kay Shirley kung sino ang may kagagawan niyon, sagot daw ni Shirley, "Isa man kay Meljoy o Alma ang may kasalanan…"

Pero nang ipakita raw naman ni Meljoy ang sugat ni Azucena kay Dr. Victoria at tinanong nito kung sino ang may kagagawan, sinabi niyang si Shirley. Ang sabi raw ni Dr. Victoria, "Okey lang."

(Itutuloy)

vuukle comment

ALMA ROSOS

AZUCENA

AZUCENA VICTORINO-VICTORIA

DR. BENJAMIN VICTORIA

DR. VICTORIA

MELJOY

MELJOY SANCHEZ

PILIPINO STAR

VICTORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with