^

True Confessions

‘Unti-unting pinapatay ang aming kapatid…’ (Ika-14 Na Labas)

- Ronnie M. Halos -
Editor’s note: Ito ay kasaysayan ni Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher sa Wisconsin, USA. Kasalukuyang comatose si Azucena makaraang atakehin ng aneurism noong May 2003.

Isang malapit na kakilala ng kanyang pamilya ang lumapit sa Pilipino Star NGAYON para mabigyan ng atensiyon sa media ang kanyang kalagayan.

Mula 2003 hanggang sa kasalukuyan, patuloy na inaalagaan si Azucena ng mga caregivers na kinuha ng kanyang asawang si Dr. Benjamin Victoria. Ang masaklap, natuklasang may relasyon pala si Dr. Victoria sa isa mga caregiver. Dito nag-ugat ang lahat para maghain ng petisyon sa Korte ang mga kapatid ni Azucena para sa terminasyon ng Guardianship ni Dr. Victoria at sa mga ari-arian nito. Sa kabila ng kahilingan ng mga kapatid na makita ang kalagayan ni Azucena, tumatanggi ang doctor. Kamakailan, pumanaw na ang isa sa mga kapatid na hindi man lang nakita ang kalagayan nang nakaratay na si Azucena.

Ang matutunghayan ay batay sa sinumpaang salaysay ng caregiver na si Meljoy Sanchez na nag-alaga kay Azucena mula November 2004 hanggang July 2005.
* * *
HINDI malimutan ni Meljoy ang narinig na pag-uusap noon nina Dr. Victoria at Shirley sa guestroom tungkol sa gagawing unti-unting pagpatay kay Azucena. At kung si Shirley na ang masusunod sa bahay at ganoon din sa pangangalaga kay Azucena, lalong lumakas ang kanyang nadaramang kaba sa dibdib.

Ganoon nga ang nangyari. Si Shirley na ang namamahala sa lahat sa bahay na iyon at siya na rin ang nasusunod. Ganoon man hindi naman ito maawat sa pagkukuwento ng mga balak ni Dr. Victoria kay Azucena. Balak daw ni Dr. Victoria na ilagak sa isang rehab center ang asawa dahil hirap na hirap na siya.

Umalis daw si Dr. Victoria at nagtungo sa Cavite at Manila para maghanap ng rehab centers subalit walang nakita. Tinanong daw ni Meljoy ang physical therapist ni Azucena na si Dexter kung ang rehab center na tinutukoy ni Dr. Victoria ay "out patient". Sagot ni Dexter, ang rehab center ay ang pinaglalagakan ng mga pasyenteng kagaya ni Azucena at doon na lamang inaalagaan.

Narinig pa rin umano ni Meljoy ang pag-uusap nina Dr. Victoria at Shirley tungkol sa "mercy killing". Sinabi raw ni Dr. Victoria na kailangang mamatay na si Azucena para mailipat ang ari-arian nito sa kanyang pangalan. Narinig pa ni Meljoy na bibigyan ni Dr. Victoria ng P1 milyon si Shirley.

Simula noon, unti-unti nang binabawasan nina Dr. Victoria at Shirley ang gamot na ibinibigay kay Azucena.

Dahil sa pagbabawas ng ibinibigay na gamot umabot sa puntong nagkaroon ng ubo at hindi makahinga si Azucena. Minsan, habang pinakakain ni Shirley si Azucena ay biglang naubo ang pasyente. Dahil doon biglang natapon ang pagkain sa damit ni Shirley. Sinampal ni Shirley si Azucena at hinablot ang kanang braso. Nagkaroon ng sugat sa pisngi at kanang braso si Azucena.

May pagkakataon na pinaglalaruan ni Shirley si Azucena. Minsan, harap-harapan ay pinipisil ni Shirley ang utong ni Azucena.

(Itutuloy)

vuukle comment

AZUCENA

AZUCENA VICTORINO-VICTORIA

DAHIL

DR. BENJAMIN VICTORIA

DR. VICTORIA

MELJOY

SHIRLEY

VICTORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with