^

True Confessions

‘Unti-unting pinapatay ang aming kapatid…’ (Ika-13 na labas)

-
EDITOR’S NOTE: Ito ay kasaysayan ni Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher sa Wisconsin, USA. Kasalukuyang comatose si Azucena makaraang atakehin ng aneurism noong May 2003. Kumuha ng mga caregivers ang asawa ni Azucena na si Dr. Benjamin Victoria pero nagkaroon siya ng relasyon sa isa sa mga caregiver. Naghain ng petisyon ang mga kapatid ni Azucena para sa terminasyon ng Guardianship ni Benjamin at sa mga ari-arian nito.

Isang malapit na kakilala ng pamilya ni Azucena ang lumapit sa Pilipino Star NGAYON para mabigyan ng atensiyon sa media ang kanyang kalagayan.

Ang matutunghayan ay batay sa sinumpaang salaysay ng isa pang caregiver na si Meljoy Sanchez na nag-alaga kay Azucena.
* * *
HABANG tumatagal si Meljoy sa pagiging caregiver ni Azucena, unti-unti niyang natutuklasan ang mga lihim nina Dr. Victoria at Shirley. May relasyon ang dalawa at hindi iyon maitatago sa mga ginagawa ng doktor kay Shirley.

Katulad halimbawa na madalas niyang makita na pumapasok si Dr. Victoria sa banyo na laan para sa mga bisita at itinataon ang pagpasok doon kung kailan naliligo si Shirley. Madalas din namang pumapasok sa guest room si Dr. Victoria kung saan ay namamahinga si Shirley. Ayon kay Meljoy, naririnig niya ang paghaharutan ng dalawa.

Nang mag-birthday si Shirley noong November 11, 2004 ay binigyan siya ng party ni Dr. Victoria. Sa bahay mismo nina Azucena iyon ginawa. Maraming handa. Gastos lahat ni Dr. Victoria ang party na iyon at ang mga bisitang dumating ay mga kapamilya at mga kaibigan ni Shirley. Masayang-masaya si Shirley at si Dr. Victoria.

Si Dr. Victoria rin ang gumastos noong January 1, 2005 nang maghanda sa bahay nina Shirley para sa selebrasyon ng Bagong Taon. Dakong alas nuwebe ng umagang iyon ng Bagong Taon ay umalis sina Dr. Victoria at Shirley at bumalik ng mga alas sais ng hapon. Buong araw na kami lamang ang nasa bahay, kasama si Mrs. Azucena Victoria. Malungkot ang Bagong Taon na iyon ni Mrs. Victoria.

Pero hindi lahat ng oras ay paghaharutan ang naririnig ni Meljoy mula sa guestroom. Ayon sa kanya, minsan ay narinig niyang nagtatalo sina Dr. Victoria at Shirley. Maraming pangangailangan si Shirley na hindi maibigay ni Dr. Victoria. Iyon ang kanilang pinagtatalunan.

Ang nakagimbal kay Meljoy ay nang marinig niya ang balak na unti-unting pagpatay ng dalawa kay Azucena. Narinig ni Meljoy na sinabi ni Shirley na mabuti pa ngang mamatay na si Azucena sapagkat wala namang pakinabang. Sinang-ayunan naman daw iyon ni Dr. Victoria.

Nakadama raw ng takot si Meljoy sapagkat baka may mangyari kay Azucena ay sa kanya ibintang ang lahat. Baguhan pa lamang siyang caregiver doon.

Noong February 25, 2005 ay medyo nakahinga raw nang maluwag sina Meljoy at kasama niyang caregiver sapagkat wala si Shirley. Nagbakasyon ito sapagkat dumating ang boyfriend na seaman.

Pero nang bumalik ito mula sa pagbabakasyon ay nagulat sila nang tahasang sabihin sa kanila ni Dr. Victoria na si Shirley na ang tanging masusunod sa bahay at ganoon din sa pangangalaga kay Azucena.

Kinabahan na naman si Meljoy sapagkat naaalala niya ang narinig na usapan ng dalawa noon sa guestroom kung paano uunti-untiin ang pagpatay kay Azucena. (Itutuloy)

vuukle comment

AYON

AZUCENA

AZUCENA VICTORINO-VICTORIA

BAGONG TAON

DR. VICTORIA

KAY

MELJOY

SHIRLEY

VICTORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with