Mga mata sa butas (Ika-88 labas)

(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)

MASAKIT ang tama ng liwanag na tumama sa mga mata at balat ni Pacita. Mataas na ang araw. Pinilit niyang kumilos. Masakit ang buong katawan niya. Gusto niyang maupo pero mahirap dahil nakatali ang mga kamay niya. Itinukod niya sa buhanging-disyerto ang mga kamay para makaupo. Mahirap manimbang. Pero kailangang pagpilitan niya. Kung hindi, mamamatay siya roon sa init.

Nagawa niyang makaupo. Wala siyang panloob. Masakit sa puwitan ang mga maliliit na bato. Pero may sasakit pa ba sa nangyari sa kanya kagabi? Tatlong kabataang lalaki ang kumubabaw sa kanya. Nasa kanyang "ari" pa rin ang kamandag ng tatlo. Walang kasingdumi! Iyon ang nasa isipan niya. Napahagulgol siyang bigla. Ubos lakas ang ginawa niya. Ibig niyang marinig ng buong mundo ang kanyang iyak. Napakamalas niya sa buhay. Walang kasing malas!

Pasakit nang pasakit ang kagat ng init sa kanyang balat. Sinubukan niyang tumayo. Mahirap. Ilang subok pa. Natutumba siya dahil mahirap manimbang ang nakataling mga kamay. Naupong muli. Ikiniskis sa mga hita ang tali. Walang tigil na ikiniskis. Hanggang sa lumuwag iyon. Kiniskis pa at tuluyang naalis ang tali.

Nabuhayan ng loob. Unti-unting tumayo at dahan-dahang lumakad. Paika-ika. Masakit ang kanyang "ari".

Lakad siya nang lakad. Walang direksiyon. Hanggang sa makakita siya ng bakas ng gulong sa buhanging-disyerto. Sinundan niya iyon. Wala siyang matanaw na kabahayan. Uhaw na uhaw siya. Lakad pa.

Hanggang sa matanaw niya ang kalsada. May mga sasakyang tumatakbo. Mabilis niyang tinungo ang kalsada. At nang makita ang isang paparating na sasakyan, pinara niya. (Itutuloy)

Show comments