^

True Confessions

Jamias (Ika-90 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 5 Command)

WALA nang iba pang sinabi si Bgy. Baseco chairwoman Teresita Lumactod kay Jamias basta’t ganoon lang, "may masamang mangyayari". Subalit lingid kay Lumactod, gumagana ang isipan ni Jamias sa pagkakataong iyon. Sa matalas niyang isip may nakikita siyang magaganap sa Baseco at malagim. Nakikita niya ang mga mangyayari na walang ipinagkaiba sa nakita na niya bago pa mangyari ang malaking sunog sa Baseco noong January 12. Isang kakayahan kaya iyon ng isip na taglay ng isang pulis na tulad niya? Ewan ni Jamias pero malakas ang kanyang kutob na may mangyayari.

Pinaghanda niya ang kanyang mga pulis sa bisinidad ng Baseco. Kailangang mabantayan ang lugar na iyon.

Isang araw makalipas ang sunog ay nagtungo roon si President Gloria Macapagal-Arroyo. Dinalaw ang mga nasunugan at nakiramay. Nagbigay ng mga pagkain. Naging lubhang abala sina Jamias. Nakita siya ng Presidente sa pagkakataong iyon. Iyon ang ikatlong pagkakataon na nagkita sila ni Presidente Arroyo.

Isang linggo ang nakalipas, naganap ang matagal nang nakikita ni Jamias.

Dakong 5:30 ng hapon noong January 19, nang tumawag sa kanyang opisina si Lumactod. May nagaganap na barilan sa Baseco. Walang sinayang na panahon si Jamias at mabilis na nagtungo roon.

May patay na! Isang social worker na tumutu-long sa pagdi-distribute ng mga pagkain sa evacua- tion center. Binaril si Maria Eladia Gelbuena, 47. Sa batok ito tinamaan. Malapitan ang pagbaril. Ang gunman ay isang 23 anyos na lalaki.

Hinabol ng mga alertong pulis ni Jamias ang gunman at nahuli makaraan ang matinding barilan. Tinamaan sa hita ang gunman.

Pero ang nakahihindik, ang social worker na binaril ay napagkamalan lamang. Hindi siya ang tunay na target.

(Itutuloy)

vuukle comment

BASECO

ELMER MEJORADA JAMIAS

ISANG

JAMIAS

LUMACTOD

MARIA ELADIA GELBUENA

POLICE SUPT

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTE ARROYO

TERESITA LUMACTOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with