^

True Confessions

True Confession ni Nelia, isang DH sa HongKong: ' Likas na mahina' (Ika-79 labas)

- Ronnie M. Halos -
KINABUKASAN ay nakita kong masigla na si Rashid at hawak na ang kanyang football. Sinisipa-sipa sa likod-bahay. Hindi naman ako makalapit sapagkat naroon at nakabantay ang kanyang waledah. Sa pakiwari ko, nagtataka si Mrs. Mayman kung bakit ganoon kabilis maka-rekober si Rashid. Walang kaalam-alam na ako ang nag-asikaso sa anak niya. Gusto kong sabihin na mas mahusay akong mag-alaga kaysa sa kanya.

Lumipas pa ang mga buwan hanggang sa dumating ang takda kong pagbabakasyon. Hindi sa mag-asawang Mayman ko sinabi ang pagbabakasyon kundi kay Rashid. Hindi ko inaasahan na pipigilan niya ako.

"La ot,"
sabi. Ipagpaliban ko raw muna. Mahirap daw ang wala silang maid. Isa pa’y malulungkot siya. Kung gusto ko raw, siya ang magsasabi sa kanyang waled at waledah na ipagpapaliban ang pagbabakasyon sa Pilipinas. Siya raw ang bahala sa akin.

Magdamag kong inisip ang pagpigil sa akin ni Rashid. Nakadarama na rin ako ng pagkasabik sa aking mga anak sa Pilipinas at kapag naalala ko ang ginawang pagmura sa akin ni Mrs. Mayman noon ay gusto ko na ngang magbakasyon. Naguluhan ako at hindi alam ang gagawin.

Subalit matindi ang ginawang pakiusap sa akin ni Rashid kinabukasan pa at sa pagtataka ko, binigyan pa ako ng pera. Isang libong riyals ang iniipit sa palad ko. Natulala ako sa ginawa ni Rashid.

"Raja-an,"
pagsusumamo nito. Nakikiusap.

Wala akong nagawa kundi bumigay. Mahina talaga ako. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

IPAGPALIBAN

ISA

ISANG

ITUTULOY

LUMIPAS

MAGDAMAG

MRS. MAYMAN

PILIPINAS

RASHID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with