^

PSN Opinyon

'Pulis-kotong' magbago na kayo!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - The Philippine Star

KAUUPO pa lamang ni NCRPO director Chief Supt. Leonardo Espina pero 16 na pulis na agad ang sinibak niya. Kasama sa sinibak si SPO4 Jose dela Peña na nangotong sa anak na lalaki ng NCRPO chief.

Mga suki kong pulis na lumilinya sa pangongotong, magbago na kayo dahil kakalusin kayo ni Espina. Meron na kayong katapat ngayon!

Bukod kay Dela Peña ang iba pang pulis na sinibak ay sina PO3 Rodolfo de Jesus, PO3 Carlos Bromeo, PO2 Crodel de Jesus at PO2 Dionel Rosario na pawang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD). Sampu pang pulis na hindi ko muna pangangalanan ang sinasabing tiyak ding masisibak.

Mukhang si Espina lamang ang opisyal ng NCRPO ang nakagawa nito. Kasi nga ito ang tagubilin ni PNP chief Dir. Gen, Nicanor Bartolome kay Espina na linisin ang PNP at sawatain ang mga kriminal sa lansangan. Mukhang hindi nagkamali si President Noynoy Aquino sa paghirang sa kanyang ka-text mate na si Espina dahil buo ang loob nito na kaharapin ang mga kapwa pulis na “scalawags”. Mula nang umupo si Espina sa NCRPO, marami na siyang accomplishment.

Nariyan na ang pagkakapatay ng dalawang pulis sa isang holdaper ng jeepney sa Regalado sa may North Fairview. Nagpakalat pala ng mga plain clothes policemen o secret marshall) si Espina upang sawatain ang mga holdaper na bumibiktima ng mga pasahero.

Gabi-gabi may engkwentrong nangyayari sa limang distrito ng pulisya sa Metro Manila dahil na rin marahil sa pagpakalat ng mga pulis.

Kahapon, dalawang kilabot na holdaper sa Malvar Street, Paco, Ermita, Manila ang napatay ng Manila Police District-City Hall Public Assistance (CHAPA) sa pamumuno ni Senior Insp. Rolado Lorenzo. Kita n’yo na mga suki, nasa opisyal lang ng PNP ang hinahanap ng sambayanan upang masawata ang mga kriminal. 

Kayong mga pulis na tutulog-tulog, kakaang-kaang, at nagpapalaki ng bitlog magbago na kayo! Baka kayo ang isusunod ni Espina. Abangan!

vuukle comment

CARLOS BROMEO

CHIEF SUPT

DELA PE

DIONEL ROSARIO

ESPINA

LEONARDO ESPINA

MALVAR STREET

MANILA POLICE DISTRICT-CITY HALL PUBLIC ASSISTANCE

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with