^

PSN Opinyon

Heart lessons at tips

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Kapag mabilis ang tibok ng iyong puso - Posible na ikaw ay “in-love” kaya nagpapalpitasyon. Puwede rin dahil sa pag-inom ng kape o slimming pills. Puwedeng may sakit sa puso. Magpasuri para malaman kung “In-Love” ka lamang.

2. Kapag sumasakit ang dibdib, ano kaya ito? - Magpasuri para masiguro na wala kang sakit sa puso. Nalulungkot ka ba at may sama ng loob. Nanggaling ka ba sa pag-iyak kaya naninikip ang dibdib. Magdasal para mabawasan ang stress sa buhay.

3. Tips para alagaan ang puso - Kumain ng sapat na gulay at prutas. Mag-ehersisyo ng regular. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Magbawas sa stress. At magmahal ng tapat. Ang pagiging “in-love” ay nagpapalakas sa ating puso.

4. Ang normal na pagtibok ng puso ay 60-90 bawat minuto. - Bumibilis ang tibok kapag tayo ay kinakabahan, naga­galit o “in-love”. Kapag nakita mo ang iyong mahal sa buhay, puwedeng bumilis ang tibok ng puso. Subukang mag-deep breathing. Huminga ng malalim at mabagal para ma-relax at bumagal ang tibok ng puso.

5. Pagod na ba ang iyong puso? – Ang “heart failure” ay isang sakit kung saan humihina ang tibok ng puso. May pagmamanas at pagod ang sintomas nito. Mag-relax, huwag magalit o maging emosyonal. Bawasan ang alat ng pagkain. Kumonsulta sa doktor para magamot ang Heart Failure.

6. Ang isa sa pinakamahalagang desisyon mo ay ang pagpili ng makakasama sa buhay. Pumili ng taong tapat at mabait sa iyo. Gamitin ang iyong isipan at puso.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with