La Salle nilusutan ang Ateneo sa women’s football
MANILA, Philippines — Tinakasan ng De La Salle University ang karibal na Ateneo De Manila University, 1-0, para tapusin ang first round ng UAAP Season 80 women’s football tournament sa Rizal Memorial Stadium kahapon.
Isinalpak ni Alexi Arrieta ang spot kick sa pang-38 minuto na siyang naging winning score ng Lady Archers laban sa Lady Eagles.
Sumosyo ang De La Salle sa University of Santo Tomas sa magkatulad nilang 9.0 points.
Samantala, umiskor si Aloha Bejic ng goal para igiya ang Far Eastern University sa 2-1 panalo laban sa University of the Philippines para sa kanilang ikalawang panalo.
Itinala ng Lady Tamaraws ang 7.0 points.
Nakumpleto ni Cristina Delos Reyes ang pang-12 minutong penalty para sa Lady Maroons.
- Latest