MANILA, Philippines — Isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) ang “one-strike policy” laban sa mga abusadong driver.
Kasunod ng viral na pagtatalo ng ginawang paniningil ng isang Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver sa kanyang pasahero matapos na dumaan sa expressway nang walang pahintulot nito.
Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, dapat na humingi muna ng pahintulot ang mga driver sa kanilang pasahero para sa bayarin sa expressway fees bago dumaan doon.
Binigyang-diin rin ni Dizon na ang pagpapababa ng sasakyan sa pasaherong tumangging magbayad ng expressway fee ay hindi katanggap-tanggap.
Inisyuhan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng show cause order (SCO) ang RL Soft Corporation, operator ng ride-hailing service InDrive matapos na mag-viral ang insidente ng pagtatalo ng isang driver nila at ng pasahero nito na tumangging magbayad ng P39 na fee sa expressway.