DepEd laptops: Idi-disable kapag ibinenta o isinangla

MANILA, Philippines — Nagbabala si Depart­ment of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na maaaring i-lock o i-disable remotely ang mga bagong pamahaging laptop para sa mga guro kung ang mga ito ay ibebenta, isasangla, o ililipat sa ibang tao nang walang pahintulot.

Binigyang-diin ni Angara ang malawakang saklaw ng computerization rollout, na isinasagawa mula Nobyembre 2026 hang­gang Marso 2027.

Mismong sina Pang.Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Louise Araneta-Marcos at Angara ang na­nguna sa paglulunsad ng nationwide distribution ng 172,654 MacBook Neo units, sa Dagupan City Na­tional High School.

Ang mga naturang laptop ay ipapamahagi sa may 169,008 guro at 3,646 administrative staff, kasama ang 62,717 Windows-based laptops.

Ani Angara, upang ma­iwasan ang ilegal na pagbebenta, pagsasangla at hindi otorisadong transfer o pag­lilipat, ang mga laptop ay nananatiling government property na ini-assigned sa pamamagitan ng official accountability records.

Ang lahat din ng units ay naka-enroll sa Mobile­ Device Management (MDM) system, na nagpapahintulot­ sa mga otoridad upang i-lock o i-disable, kahit malayuan, ang mga ninakaw, isinangla at ilegal na ipinagbiling mga laptop.

Nagbabala pa si Angara na ang lalabag dito ay mahaharap sa administrative at criminal charges.

Show comments