^

Police Metro

76 banyaga, arestado sa illegal POGO hub

Joy Cantos - Pang-masa
76 banyaga, arestado sa illegal POGO hub
Sinabi ni Col. Xerxes Trinidad, Chief ng Public Affairs Office ng AFP, ang raid ay isinagawa laban sa natukoy na illegal na POGO hub na ikinaaresto ng 74 Chinese at 2 ­Myanmar nationals kaugnay ng paglabag sa Philippine Immigration laws at Anti-POGO Act of 2025.
SHOX ART via Pexels

MANILA, Philippines — Nasakote nang pinagsanib na elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Bureau of Immigration (BI) ang 76 banyaga sa isinagawang raid sa isang pinaghihinalaang illegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Quezon City nitong Lunes.

Sinabi ni Col. Xerxes Trinidad, Chief ng Public Affairs Office ng AFP, ang raid ay isinagawa laban sa natukoy na illegal na POGO hub na ikinaaresto ng 74 Chinese at 2 ­Myanmar nationals kaugnay ng paglabag sa Philippine Immigration laws at Anti-POGO Act of 2025.

Ang ni-raid na illegal POGO hub sa Brgy.Socorro, Cubao, ­Quezon City matapos ang masu­sing surveillance ­operations sa natanggap na impormasyon hinggil sa illegal na aktibidades sa lugar na ginagamit sa online scamming.

Sa panig ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., inireport niya ang operasyon kay Commissioner Joel Anthony Viado, ang nasabing mga banyaga ay naaktuhang aktibong nagsasagawa ng online scamming activities nang pasukin ng mga otoridad ang lugar.

 Isinasailalim na sa inquest proceedings ang nasabing mga dayuhan para sa kaukulang deportasyon at hindi na papayagang makabalik muli sa Pilipinas.

POGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with