Mag-asawa ninakawan na, pinatay pa

MANILA, Philippines — Pinagbabaril ng mga magnanakaw ang isang mag-asawa nang manlaban umano ang mga ito nang pasu­kin ang kanilang bahay ay pagnakawan sila naganap sa Sitio Matiyumpong, Barangay Dalgan, Montawal, Maguindanao del Sur nitong gabi ng Martes.

Agad na nasawi ang mag-asawang sina Alex Monib Pandapatan at Bai Macabimban Salipada-Pandapatan dahil sa mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Ayon sa ulat ng pulisya, pinasok ng mga armadong lalaki ang bahay ng mag-asawa na noon ay mahimbing na natutulog.

Nagising ang mag-asawa kaya’t sila ay pinagbabaril ng mga suspek at kinuha ang kanilang pera, mga relo at cellphone.

Show comments