^

PM Sports

Heat, Nuggets agawan sa 2-1 lead

Pang-masa
Heat, Nuggets agawan sa 2-1 lead
Nag-apir sina Caleb Martin at Bam Adebayo matapos ang panalo ng Heat sa Nuggets sa Game 2 ng NBA Finals.

MIAMI — Tinambakan ng Denver Nuggets ang Heat ng 24 points sa Game One at 15 points sa Game Two ng NBA Finals.

Matapos ang 94-103 kabiguan sa series opener ay matagumpay na nakabangon ang Miami mula sa 15-point deficit sa second period para agawin ang 111-108 panalo sa ikalawa nilang duwelo at itabla sa 1-1 ang best-of-seven championship series.

Paglalabanan ngayong umaga (Manila time) ng Heat at Nuggets ang 2-1 lead na inaasahang mas magiging pisikal kumpara sa unang dalawang laban.

“You’re in the finals,” ani Miami Fil-American coach Erik Spoelstra na asam ang kanyang ikatlong NBA title. “You’re going to be dealing with great players, great teams. You have to find a way to overcome it and make it difficult and do a lot of things that are tough.”

Sa 40 koponang nanalo sa Game Three ay 32 dito ang tumuloy sa pag-angkin sa titulo.

Naglalaro ang Heat sa kanilang ikalawang NBA Finals sa huling apat na seasons habang ito ang kauna-unahang finals stint ng Nuggets matapos ang 47 taon.

Ito ang unang finals game ng Miami sa kanilang homecourt matapos noong 2014, samantalang ang 2020 finals ay ginawa sa bubble kung saan sila tinalo ng Los Angeles Lakers.

Ang kanilang mga diehard fans ang sasandigan ng Heat para talunin ang Nuggets.

“No matter what, they are going to be behind you,” sabi ni Miami guard Kyle Lowry. “They are going to give you energy. You know, if the other team is on the run, they are going to give you a little boost.”

Sa ginawang film session ng Denver ay inayos ni coach Michael Malone ang kanilang mga naging problema sa Game Two.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with