^

PM Sports

Loyzaga pasok sa FIBA Hall of Fame

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Loyzaga pasok sa FIBA Hall of Fame
Carlos “Caloy” Loyzaga
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa wakas ay mabibigyan na rin ng parangal sa buong mundo ang alamat na si Carlos “Caloy” Loyzaga.

Tinaguriang greatest Filipino basketball player sa kasaysayan, kasama si “King Caloy” sa 2023 Class ng FIBA Hall of Fame na iluluklok sa isang seremonya sa Maynila sa Agosto 23 bago ang 2023 FIBA World Cup sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.

Si Loyzaga ang pinakamatagumpay na international player ng bansa matapos gabayan ang Pilipinas sa anim na gold medals sa Asya at bronze-medal finish sa 1954 FIBA World Championship sa Brazil.

Tampok sa Asian streak na iyon ang apat na sunod na ginto sa Asiad noong 1950s hanggang 1960s at dalawang sunod na ginto sa Asian Basketball Confederation Championship (FIBA Asia Cup ngayon).

Sa World Cup, ang third-place finish ng Pinas ang pinakamataas na puwesto ng kahit anong Asian team at hindi pa nalalagpasan hanggang ngayon tampok ang citation ni Loyzaga bilang miyembro ng World Cup All-Tournament Team.

Bukod dito ay siya rin ang kapitan ng Pilipinas sa dalawang sunod na Olympics noong 1954 sa Finland at noong 1956 sa Melbourne, Australia.

Produkto ng San Beda si Loyzaga, na may alyas ding “Big Difference, bago maglaro sa MICAA at maging coach ng RP team para sa walang kaparis na resume sa Philippine basketball.

Susundan ni Loyzaga sa FIBA Hall of Fame ang kanyang dating coach na si Dionisio “Chito” Calvo na siyang unang Pinoy na nailuklok noong 2007.

Makakasama ni Loyzaga, pumanaw noong 2016 sa edad na 85-anyos, sa 2023 Class of FIBA ang 11 pang inductees tampok din sina Yao Ming ng China at Olympic at world champion Zurab Sakandelidze ng Georgia.

vuukle comment

CARLOS “CALOY” LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with