Philippines 3x3 para team giniba ang Indonesia
PHNOM PENH — Pinatumba ng Philippine natioal team ang Indonesia, 11-5, sa pagdribol ng men’s 3x3 basketball tourament ng 12th ASEAN Para Games kahapon sa Elephant Hall A ng Morodok Techo National Stadium.
Binanderahan nina Kenneth Tapia at Alfie Cabanos ang ratsada ng tropa mula sa 5-5 pagkakatabla kasama sina Clifford Trocino, JR Escalante at Rene Macabenguil para talunin ang mga Indons.
Hangad ng Pinoy 3x3 team ang gold matapos ang silver-medal finish noong 2022 sa Surakarta, Indonesia.
Haharapin nila ang host Cambodia kasunod ang Thailand at Malaysia.
Samantala, pamumunuan ni Surakarta Para Games quadruple gold winner Sander Severino ang chess team sa Royal University.
Nagsulong ang mga Pinoy woodpushers ng 10 sa kabuuang 28 gintong nakolekta ng bansa noong nakaraang taon.
Nauna nang isinagawa ang ceremonial flag ceremony na dinaluhan ng mga opiyales ng National Paralympic Committees, chiefs of mission at mga atleta mula sa 11 bansa kasama sina Philippine Paralympic Committee president Mike Barredo at PSC Commissioner at CDM Walter Torres.
- Latest