^

Pang Movies

Paul nawalan ng career sa Dos nang awayin si Daniel?!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Paul nawalan ng career sa Dos nang awayin si Daniel?!

Paul

Nagbabalik Kapuso ang dating Starstruck Kids contestant na si Paul Salas pagkatapos ng ilang taong pagiging Kapamilya talent.

Ka-batch ni Paul Salas sa Starstruck Kids noong 2004 ay sina Miguel Tanfelix, Bea Binene, Ella Guevarra, Sandy Talag na ngayon ay mga busy na sa ilang mga teleserye.

Lumabas si Paul bilang child actor sa mga GMA shows na Majika at Mga Kuwento Ni Lola Basyang.

Noong magbinata ito, lumipat ito sa ABS-CBN 2 at gumawa ng mara­ming shows doon tulad ng Kung Fu Kids, Dyosa, Pieta, Tayong Dalawa, Aryana, Luv U, You’re My Home, We Will Survive at The Good Son.

Usap-usapan na parang na-freeze ang career ni Paul sa Dos dahil sa naging alitan niya kay Daniel Padilla.

Ngayon ay muling pumirma si Paul sa original home niya na GMA-7.

Maraming fans niya ang naghihintay kung ano ang mga magiging projects niya sa muling pagbabalik niya sa Kapuso network.

Bianca bumiyahe sa Marawi pagka birthday!

Tinupad ng Kapuso leading lady na si Bianca Umali ang kanyang pangako na pagkatapos ng kanyang debut party noong nakaraang March 17 ay magcha-charity work siya bilang pagsasalamat sa mga biyaya na kanyang natanggap simula noong mag-artista siya.

Kelan lang ay lumipad si Bianca for Marawi City at pinasaya niya ang maraming kabataan at kababaihan na naapektuhan ng naging kaguluhan doon.

Sa tulong ng World Vision Philippines kung saan isa si Bianca sa youth ambassadors for education, hindi sinayang ng bida ng Kambal Karibal ang kanyang buong araw doon dahil tinuruan niyang magbasa at kinuwentuhan niya ang mga bata at mga kababaihan doon.

Unforgettable nga raw ang experience na iyon para kay Bianca dahil first time niyang makarating sa Islamic City na iyon.

Marami pa raw gustong tulungan si Bianca at sa kanyang pagiging ambassador ng World Vision ay matutulungan siyang abutin ang ilan pang mga kabataan na sabik na makapag-aral.

Tatlong taong nag-alaga sa ama Oscar Best Actress na si Hilary Swank, balik akting na

Tatlong taon na hindi gumawa ng pelikula ang two-time Oscar Best Actress na si Hilary Swank dahil kinailangan niyang nasa tabi ng kanyang amang may sakit.

Noong 2015 ay inoperahan ang ama ni Hilary na si Stephan Swank para sa lung transplant nito.

Nagdesisyon ang aktres na iwan pansamantala ang showbiz para magawa naman niya ang obligasyon niya sa kanyang ama. Naging caregiver siya nito for three years.

“There’s been job opportunities I’ve passed on, and things that I said ‘I can’t,’ but really what we’re here for is our family,” sey pa niya.

Nag-resurface si Hilary sa talk show The Late Night Show With Stephen Colbert at tinanong nga siya tungkol sa kalagayan ng kanyang ama.

“They’d given him a short time to live if he didn’t get a lung transplant and thankfully, he got one and he’s alive and thriving and well.

“I took three years off to be with him and help him through that life journey,” ngiti pa ni Hilary.

Nagbabalik si Hilary sa TV via the FX TV series na Trust. Makakasama niya rito ay ang nagbabalik din sa acting na si Brendan Fraser.

Nanalo ng dalawang Oscars best actress si Hilary para sa pelikulang Boys Don’t Cry (2000) and Million Dollar Baby (2005).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with