^

PSN Showbiz

Wilbert, tatlong araw nawalan ng boses

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Wilbert, tatlong araw nawalan ng boses
Wilbert Ross

Naka-recover na si Wilbert Ross matapos mawalan ng boses for three days. Normal na actually ulit ang boses niya nang magkaroon ng press announcement tungkol sa kanyang WRten Calabarzon Tour.

Pagkatapos nga ng massive success ng kanyang 10th anniversary concert na ginanap sa New Frontier Theater (NFT) last July, pupunta siya sa Calabarzon na uumpisahan sa Multi-Purpose Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna sa Nov. 28, 2026, 8:00 p.m.

Kasalukuyan nang mabibili ang tickets sa ticketnet.com.ph.

Kaya sa mga hindi nito nakapanood sa NFT, ito na ang pagkakataon n’yo na mapanood ang nasabing sold-out concert ng actor or kung gusto ninyo ring ulitin, pwedeng-pwede.

Sold-out ito sa NFT, na nag-validate sa kasalukuyang status ni Wilbert bilang isa sa most exciting singer, songwriter and actor.

Isang dekada na ang lumipas mula nang magsimula siya sa showbiz, kaya’t very thankful si Wilbert sa tagumpay na kanyang natamo sa mga nakaraang taon.

Mula sa kanyang mga unang araw sa It’s Showtime hanggang sa kanyang

breakout role sa University Series, hanggang sa kasalukuyang box-office hit na Pee Mak at ang lumalawak na katalogo ng kanyang mga inilabas na kanta.

Tulad ng nakaraang WRten, maaasahan ng fans ang isang round ng mga nakakakilig na performance mula kay Wilbert, lalo na ang mga kanta mula sa kanyang kauna-unahang album, Aking Musika, na inilabas noong 2025, kasama ang ilan sa kanyang mga pinakabagong single tulad ng Ginintuang Tanawin, Avianna, Ikaw Ang Aking Musika at Paggising Kong Muli.  

Kaya naman pinaghahandaan pa rin daw niya ito.

Nagsimula bilang contestant sa Tawag ng Tanghalan at Pinoy Boyband Superstar noong 2016, ang actor-singer mula sa Davao del Sur ay sumikat bilang miyembro ng boy group Hashtags sa It’s Showtime, na nagbigay-daan para sa kanyang mga role sa mga palabas sa TV, digital series at mga pelikula, kabilang ang blockbuster na pelikulang Hello, Love, Goodbye, Nokturno, Ang Lalaki sa Likod ng Profile at Pagpag 24/7.

Pero tumodo si Wilbert matapos pumirma sa VAA (Viva Artists Agency) noong 2020. Sa ilalim ng management agency ng Viva Group of Companies, nakuha niya ang kanyang breakout role bilang Arkin Sanchez sa University Series ng Viva One, na nagdala sa kanya ng mas malaking popularidad sa kanyang lead role sa Golden Scenery of Tomorrow kasama si Bea Binene.

Sa pamamagitan ng nasabing palabas, naging matagumpay na love team sina Wilbert at Bea na kilala bilang WilBea, na nagpapakilig sa mga tagasuporta sa kanilang undeniable chemistry sa screen at sa live shows.

Muli nilang pinatunayan ang kanilang galing sa takilya sa tagumpay ng Pee Mak na kasalukuyan pa ring palabas sa mga sinehan.

Ngayon ay nagdiriwang ng isang dekada sa industriya si Wilbert at nananatili siyang nagpapasalamat sa walang kondisyon at sawang suporta ng mga fan na nanatili sa kanyang tabi sa buong panahon ng kanyang paglalakbay sa showbiz na akala ng marami noon ay hindi na niya makakamit ang status ng kanyang career sa kasalukuyan.

Sa pamamagitan ng WRten, umaasa siyang hindi lamang ipagdiwang ang kanyang mga tagumpay bilang isang performer, kundi pati na rin upang magkaroon ng isang hindi malilimutang karanasan para sa mga tagasuporta na patuloy na dumarami sa paglipas ng mga taon.                                       

WILBERT ROSS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with