Mr. M, binalik sa Vibe!

May ilang blogs na naglalabas pa rin tungkol sa pagpapatanggal daw kay Mr. Johnny Manahan ng TV5.
Kaya sa aming pagtanung-tanong, ang ilang kuwentong nakuha namin ay meron daw talagang nagbigay ng notice kay Mr. M na huling araw na niya noong Sabado bilang direktor ng Vibe.
Ayon sa iba pa naming napagtanungan, hindi raw aware ang mga boss ng Kapatid network sa pagpapaalis sa kanya sa naturang programa.
Kaya nung pinag-usapan na ito, sinabi raw sa mga boss na kailangang mag-cost cutting.
Si Mr. M diumano ang tinanggal nila dahil sa talent fee nito. Sabi raw ni Mr. M, hindi naman daw siya sinabihan na may ganung problema.
Para sa TV5 ay willing naman daw siyang gawin ‘yun kahit wala siyang talent fee.
Sobrang focused ang kilalang director at star maker sa mga inilunsad nilang talents ng Star Worx. Kaya kahit hindi naman siya kailangan sa ilang activities ng mga bata, nandun pa rin siya para personal niya itong matutukan.
Kaya very visible ngayon si Mr. M sa bakuran ng TV5 dahil talagang hands-on siya sa pag-asikaso sa talents ng block 1 ng Star Worx.
Ayon sa iba pang napagtanungan namin, ang nangyari raw ngayon sa Vibe ay inilipat na raw sa ibang departamento itong nagpatanggal kay Mr. M.
Na-retain si Mr. M sa Vibe, ‘yung nagbigay ng notice na alisin ang director/star maker ang siyang natanggal ngayon ayon sa napagtanungan namin.
Maaaring mali kami, pero ang napansin lang namin ay magmula nang nawala si Ms. Jane Basas bilang presidente at CEO ng MediaQuest, tila nagkakaroon ng pagkakahati-hati.
Maayos sana ang mga ganitong conflict.
Samantala, mukhang tuloy na raw itong pagbabalik collaboration ng TV5 at ng ABS-CBN. Malaki diumano ang posibilidad na mapapanood na rin sa TV5 ang Sigabo na magsisimula na sa June 22.
Kung tuloy ito, ang Sigabo muna, at maaaring maurong na ang A Secret in Prague at My Bespren Emman.
Tiyak na makakatulong ang Sigabo para hatakin pataas ang mga series ng TV5.
Nagtanong uli kami sa taga-AllTV kung wala ba itong conflict sa kanila. Wala pa rin daw silang alam sa ganung usapan. Kaya magtatanung-tanong pa sila.
Mapapanood ang Sigabo umpisa sa June 22, 8:00 p.m.! Dahil 8 p.m. ito, mauurong ang Blood vs Duty.
Makakatapat na nito ang The Master Cutter ni Dingdong Dantes sa GMA 7, at ang A Secret in Prague nina Enrique Gil at Andrea Brillantes ng TV5.
Kung ito na nga ang bakbakan ng mga teleserye simula sa June 22, matinding tapatan ito at challenge ito sa Master Cutter ni Dingdong.
Sa ngayon ay talagang namamayagpag sa ratings ang Master Cutter. Tingnan natin kung ano ang mangyayari kapag nagsimula na ang Sigabo.
Double... actor, umaming Genderfluid!
Ngayong Pride month ay nag-out na ang aktor na si Drei Arias ng pagiging miyembro ng LGBTQIA.
Kasama si Drei sa twin bill na Double Take na kung saan nakapaloob ang one-act play na Reverse Card at Al.Ter, sa direksyon ni Paul Jake Paule.
Second weekend ng palabas sa Hunyo 5-7, 2026, Biyernes-Linggo ng 8:00 p.m. sa Illumination Studio, 2723 Sabio St. cor. Chino Roces Ave., Makati City (across the road from Lido Cocina Tsina). May matinee sa Sabado at Linggo ng 3:00 p.m.
Kasama si Drei Arias sa Reverse Card bilang John, at sa Al.Ter bilang Terrence.
Nakaka-relate raw si Drei sa roles na ginagampanan niya sa dalawang play. “This is gonna happen with a huge celebration of me, coming out this Pride Month,” pakli ni Drei.
“As a Genderfluid Pansexual, I believe that the stories of the queer community as much as possible should be done by someone who is part of that very community.
“This is me holding my power and truth.
“This is me telling everyone that you are more than your sexuality, that you can be a serious actor and not a punchline to jokes,” dagdag niyang pahayag.
May frontal nudity si Drei sa dulang ito, na nagawa na rin naman niya sa iba niyang nagawa.
Kapag swak sa gusto niyang gawin, hindi isyu kay Drei ang maghubo’t hubad sa kanyang performance.
Aniya, “It was never a question of how far I can go because I can really go for it.
“It’s a question of how bad does the character and/or material needs me to do it.
“And this material definitely is that material.”
Kasama rin sa cast ng Double Take sina CJ Tiongson, Gerald Magallanes, Gerhard Kryssther, Inah Evans, James Ramada, Jarold Brimbuela, John Ven Soco, Johnrey Rivas at Lance Cabradilla.
- Latest

























