Angela Ken, may busking tour

Iikot sa iba’t ibang lugar para mag-busking ang Kapamilya singer-songwriter na si Angela Ken at iparinig ang kanyang bagong EP na pinamagatang Panahon.
Nakatakda siyang mag-perform sa SM North EDSA kahapon (Mayo 8), SM City Baliwag sa Mayo 12 (Martes), SM City Sta. Mesa sa Mayo 14 (Huwebes), SM Mall of Asia sa Mayo 15 (Biyernes), SM Southmall sa Mayo 18 (Lunes) at SM City Fairview sa Mayo 20 (Miyerkules).
Aawitin niya ang tracks mula sa kanyang bagong labas na Panahon EP mula sa Tarsier Records. Naglalaman ito ng mga bagong kanta na kahapon, panahon, at simula ngayon at pati na rin ang mga nauna niyang inilabas na single na baka bukas, kulimlim at pwede bang mamaya?
Si Angela ang nasa likod ng hit song na Sikulo, ang kolaborasyon niya sa kapwa Kapamilya artists na sina Maki at Nhiko Sabiniano, at Ako Naman Muna.
Nakipagsanib-pwersa rin siya sa OPM band na Over October para sa Moved on Last collab nila noong nakaraang taon.
Kamakailan ay umani na ng mahigit sa 1.2 million streams sa Spotify ang baka bukas single ni Angela.
- Latest





















