Sitti, bubuhayin ang para...!

Babalik si Sitti sa entablado ngayong Mayo 17, 2026 para sa Sittiscape sa Newport Performing Arts Theatre, kasama sina Mr. Ryan Cayabyab, Gary Valenciano, RJ Jacinto, may choreography ni Dan Cabrera, at iba pang guest artists.
Nang i-record ni Sitti ang Para Sa Akin noong 2005, hindi niya inakala na makakasama pa rin ito sa buhay ng mga tao pagkalipas ng 20 taon. Pero hanggang ngayon, buhay na buhay pa rin ang kanta.
Ito ay isang one-night anniversary concert para sa ika-20 taon ng Café Bossa, ang album na nagpakilala ng Para Sa Akin sa mas maraming Pilipino.
Hindi ito typical na anniversary concert, mas pinag-isipan raw bilang isang experience na hindi lang tungkol sa kanta, kundi sa naging buhay nito sa loob ng 20 taon. Kinonsepto at creative-directed ni Liza Diño, kasama si Ice Seguerra bilang stage director, Bobby Velasco bilang musical director, at Dan Cabrera bilang choreographer, pinagsasama ng show ang iba’t ibang henerasyon ng musikang Pilipino.
Makakasama ni Sitti sina Gary Valenciano, RJ Jacinto, Ice Seguerra, Ebe Dancel, Nyoy Volante, Richard Poon, Princess Velasco, Jason Dhakal at Mr. Ryan Cayabyab.
May mga sandali rin sa show na parang kwentuhan lang, kung saan nagbabahagi si Sitti ng mga personal na alaala tungkol sa naging journey ng kanyang musika.
Magtatapos ang gabi sa isang samba finale na choreographed ni Dan Cabrera — kung saan iimbitahan ang audience na makisabay sa rhythm na minahal ng mga Pilipino sa loob ng 20 taon.
- Latest





















