^

PSN Showbiz

Ang Blvck Box

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

May ilang taon na ring sumusugal ang Blvck Entertainment ng mag-asawang engineer Louie at Grace Cristobal sa showbiz. Ilang pelikula, awitin at content na ang kanilang na-produce. Aminado silang hindi madali (at magastos ha!) ang pinasok nilang ito pero dahil sa passion nila sa larangan ng entertainment, hindi sila tumitigil. (push lang nang push!)

Kamakailan ay inilunsad nila ang kanilang pinaka-bagong proyekto na tinawag nilang Blvck Box. Isa itong streaming at e-commerce app na pwedeng gamitin ng content creators at film producers. Ia-upload nila ang kanilang mga gawa sa Blvck Box at magtatakda sila ng minimal na fee sa manonood para ma-access ang kanilang content o pelikula. (parang pay per view sa murang halaga!)

“You can upload your content easily. Basta i-fill out lang ‘yung hinihingging requirements. Ikaw din magse-set ng price kung magkano gusto mo. Dyan mo malalaman ang pwede mong kitain. Unlike other platforms na sila nagsasabi kung magkano kita mo. Lahat tayo rito producers,” pagpapaliwanag ni Engineer Grace. (basta gusto ko laki kita!)

Dumalo sa launch ang ilang mga content creators tulad nina Rendon Labador, Baby Giant at Bassilyo, ang music trio na Crazy as Pinoy, mga artistang sina Inah De Belen, Jhake Vargas, Archie Adamos at Rez Cortez. May mga student filmmakers din na dumating na pwedeng mag-upload ng kanilang mga obra. (one for all! all for one?!)

“E-commerce din ito, kasi pwede kang maging affliate sa mga content na meron tayo. All in one box sya, movies, vertical shorts, podcasts, music videos,” pagbabahagi ni Engineer Grace (ay magkagawa nga ng music video ko!)

Isa sa unang handog ng app ang pelikulang Pluma na pinagbibidahan nina Victor Silayan at Mark Herras. (mga bro ko ba sila?!)

“Huwag tayo paghinaan ng loob sa paggawa ng content kasi iniisip mo baka wala manood. Pero ngayon hindi natin alam kung anong papatok, kaya gawa lang ng content,” paglalahad ni Engineer Grace. (malay mo pasok pala sa banga!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

ENTERTAINMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with