Ryzza, naglabas ng resume

Mixed ang reaction ng netizens sa throwback photos ni Ryzza Mae Dizon na ibinahagi niya sa kanyang Instagram page.
Sa kanyang post, makikita ang batang-bata pang si Ryzza na naka-dress at game na game sa harap ng camera—instant throwback feels para sa fans!
Pero ang mas nakaagaw ng pansin? Ang witty niyang caption: “Fresh grad with 20 years of work experience #resume”
Agad itong umani ng reaksyon online, kung saan maraming netizens ang natuwa at napa-comment ng “relate” sa kanyang biro.
Matatandaang maaga pa lang ay sumikat na si Ryzza bilang child star at TV host, kaya swak na swak ang kanyang “20 years experience” joke kahit bata pa siya sa larawan.
Patunay lang na kahit noon pa man, certified entertainer na si Ryzza.
Ngayon ay ang sexy na ni Aling Maliit at may boyfriend na.
At totoo rin naman ang sinabi ni Allan K na “Hindi pa nila inabot ang inabot ni ryzza mae no.”
- Latest





















