^

PSN Showbiz

KD, umaasa pa kay Alexa!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
KD, umaasa pa kay Alexa!
KD
STAR/ File

Balik-recording ang Kapamilya singer-actor na si KD Estrada.

Hatid ang self-titled debut album na umiikot sa iba’t ibang kwento ng pag-ibig.

Tampok sa album ang walong awitin, Dito, Over And Over, Together, Stay, Be With U (Acoustic Version), Ikaw Ang Simula, Sala at Napadaan Lang, na naglalarawan sa pagkahulog ng damdamin, heartbreak, at pagkakaroon muli ng pag-asa.

Umiikot ang key track na Ikaw Ang Simula sa muling pag-uumpisa kasama ang taong nagbibigay liwanag at kapayapaan sa buhay. Mula ito sa komposisyon ni Gab Tagadtad at produksyon ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Inilabas ni KD ang una niyang single na One of Many noong 2019. Sinundan niya ito ng iba’t ibang singles na Days, Love Led Us Here, at Be With U. Naging bahagi rin siya ng Run to Me soundtrack kung saan inawit niya ang Misteryo at When I See You Again kasama si Alexa Ilacad.

Bukod sa musika, bumida rin si KD sa iba’t ibang serye tulad ng Unloving You, Bola, Bola, at Pira-Pirasong Paraiso.

Pinasok din niya ang mundo ng teatro at naging bahagi ng Bagets The Musical at Walang Aray.

Ang Bagets The Musical na mapapanood hanggang March sa Newport Performing Arts Theater.

Sa kasalukuyan ay kanya-kanya muna sila ni Alexa Ilacad.

“It depends kasi. There are times kasi iyong mga love teams, they’re not really working together anymore. And it’s not because we don’t want to work with each other, it’s just that time changed lang talaga. Other things come our ways din,” katuwiran niya sa ‘hiwalayan’ nila ni Alexa.

Pero umaasa siyang magkakatrabaho ulit sila ni Alexa na ang buong akala talaga ng lahat na sila ay may relasyon.

“I’m hoping this year maka-work ko siya ulit. But, I’m okay with just working with myself muna and she can do her own thing kasi happy naman kami. What’s important is kaming dalawa super okay kami. Super close kami. Wala eh, life happens and work happens.

“Which is something that you can do now, but it’s just so magical na kahit hindi masyadong rewarding, nandito pa rin kami at patuloy pa rin kaming nagkukwento,” katuwiran pa ni KD na gumaganap na Raymond Lauchengco sa Bagets The Musical.

At kung nasa theater man siya sa kasalukuyan, ‘yun ay dahil nararamdaman niya ang kalayaan sa pag-arte na hindi mo pwedeng ulitin.

“Parang ayun din iyong reason ko kung bakit nasa teat­ro ako. It’s that sense of freedom for your creative freedom, you get to show your creative freedom kahit hindi nga siya financially rewarding. Hindi na sumagi sa isip ko iyong financial. It’s more of, I love what I’m doing. I’m gonna keep doing it,” pag-amin niya.

“So, it’s passion, love for your craft. Kung may financial, go! Nakakain ka naman, nakapunta ka naman dun sa rehearsals. Buhay ka pa naman. Nagbibigay naman sila ng allowance.

“Tsaka in comparison lang naman din sya, to screen work. Theater pay is fine. Pero compared to screen work, doon ka mapapa-’ohh, this is really a passion.’

“And it really helps when people have productions where they get, mga people who can invest on us. Mas nakakatulong kasi iyon sa amin. Not only the actors but also the people behind the scenes.

“Iyon ‘yung kailangan,” paliwanag naman ni KD kung anong masasabi niyang reward sa pagti-teatro.

Samantala, kamakailan ay may pinatulang ‘content’ sa social media ang actor.

Aniya, isang fake narrative ang ikinakalat laban sa kanya.

“The thing is she’s my castmate lang. The story there is nag-livestream siya, nagre-rehearsal kami tapos tinutok niya lang sa akin iyong camera. Kasi magkakasama naman kaming lahat eh. Ayun lang, ini-screenshot lang iyong ano... And I just answered to the person na took that into offense.

“Sabi ko lang, wala, she’s just toward the camera lang at me, what’s the issue there. And then, with that single screenshot gagawan ng ibang tao ang complete narrative na meron silang five pages ng story, they make an essay on why I’m a bad person. For me lang naman, just before you speak, mag-isip ka muna,” paglalahad ni KD kung ba’t niya pinatulan ang nagkakalat ng nasabing fake news.

Speaking of Alexa, pinatunayan niya na maganda siya kahit ma­ging lalaki. Ito ay matapos niyang ilabas ang kanyang pictorial na naka-real self at isa ay version niya na lalaki.

Ito nga ang birthday gift niya sa kanyang followers.

Siyempre hindi naman sila mag-iisip na tomboyita si Alexa.

KD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with