^

PSN Showbiz

Jessy, mas tumibay na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jessy, mas tumibay na!
Jessy, Rosie at Luis

Weird para kay Jessy Mendiola ang 2025.

“But still, thank you for teaching us strength, patience, and love above all things. Thank you for showing us what truly matters — our little family. Looking forward to more positivity, peace, and stillness this 2026.

“Happy New Year, everyone! May your 2026 be filled with love, happiness, and lots of sparkles.— with love, from the Manzanos,” buong caption niya sa reel nila nina Luis Manzano at anak na si Rosie.

Nauna nang nabanggit ni Jessy na “very challenging” para sa kanila ang 2025 kasabay ng period of growth. “We’ve grown so much since January (2025). I thought we were okay, but there’s always room for growth. This year really taught us a lot.  Mas nahanap namin, mas nakilala namin ang isa’t isa, pati na rin ang sarili namin,” sabi ni Jessy na nagbalik din sa pag-arte sa Sins of the Father noong nakalipas na taon.

At para kay Luis, ang 2026 ay muling pagbangon pagkatapos ng isang mapanghamong 2025.

Kumandidatong vice governor ng Batangas si Luis pero hindi pinalad.

“Kaya, this 2026,  laban talaga. Dumaan ako sa phase na  feeling ko nawala ako, na parang na-lost ako. Pero ngayon, nakikita ko ulit kung sino ako, and I’m finding that love again within myself. And that’s a blessing,” sabi pa niya.

Anim na taon ding namahinga sa akting si Jessy pero nakabalik siya. “Napatunayan ko rin sa sarili ko, nakapagtapos ako ng isang show,” sabi niya sa nasabing interview late last year na ang tinutukoy na serye ay ang pinagbidahan nila ni Gerald Anderson na Sins for the Father.

Mapapanood naman sa three shows si Luis this year.

Loisa at Ronnie, bagong sila na!

Ni-repost ni Loisa Andalio ang post ng mister niyang si Ronnie Alonte na “bagong taon! bagong tayo..

“happy new year sainyong lahat!”

At kalakip na message ni Loisa, “next year tatlo na tayo.”

Ang laki na ng tiyan ng Kapamilya actress.

Ikinasal sila noong Novermber na hindi na ikinagulat ng ibang nakakaalam na preggy na nga si Loisa.

ogie, may napansin sa mga nagpaputok!

Mas marami nga bang nagpaputok at nag-ingay sa pagpasok ng 2026?

Para sa kamag-anak ni Ogie Alcasid, maraming gustong magbawas ng ‘bad spirit’ kaya ganun.

Pero marami rin namang nanahimik lang at nagpasalamat sa 2025.

Obserbasyon kasi ni Ogie ay marami-rami raw ang naglabasan sa kanilang lugar para magpaputok: “Taon taon, sa aming lugar pansin namin ang labis at minsan kakulangan sa mga “pasabog” na fireworks sa abot ng aming natatanaw. This year, marami ang nagsilabasan ng kanilang paputok at sabi nga ng aking isang kamag-anak, “marami ang nagpapabawas ng malas ng lumipas na taon’.

“Ano man ang dahilan, ang mahalaga siguro’y basta’t kapiling ang pamilya ito ay sapat na. Tayo ngayon ay nahaharap sa bagong taong punong ng mga kagapanang ating pinagdarasal. Nawa’y lahat tayo’y lalong pagtibayin ng espirito santo na ano man ang ating harapin, tayo’y bukas palad sa pagtanggap ng pagmahahal ni Hesus. Mula sa aming pamilya, binabati namin kayo ng isang maluwalhating bagong taon. God bless you po,” sabi ng mister ni Regine Velasquez.

But anyway, isang factor naman kaya sa ibang lugar ay walang gaanong ingay at wala halos paputok ay dahil sa pets.

Marami na ngayong may alagang mga aso na takot na takot sa mga naririnig nilang malakas na putukan kaya mas pinili ng mga may fur parents na idaan sa ibang paraan ang pagsalubong sa bagong taon.

JESSY MENDIOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with