Janella, very, very happy kay Klea!

Obvious na level-up na ang friendship nina Klea Pineda at Janella Salvador.
Sa isang Instagram post ni Klea, kasama niya bilang pasahero sa kanyang flight si Janella at ang anak nitong si Jude.
Student pilot ang Kapuso actress at isinama niya sa kanyang roundtrip flight from Subic to Lingayen ang mag-inang Janella at Jude.
“Quick trip above the clouds, just to bring a little light to someone’s day. Subic > Lingayen > Subic. It was all worth it!” caption ni Klea.
In the comments section, nagpasalamat si Janella kay Klea: “And that makes two very, very happy passengers!!!!!! Thank you, future capt.”
Klea and Janella first worked together in the queer film, Open Endings at Cinemalaya 2025.
Nanalo itong Best Ensemble Performance.
Matagal-tagal na silang inili-link sa isa’t isa.
Sexbomb girls, tanggap na panahon ngayon ng BINI
Inamin ng SexBomb Girls na sina Aira Bermudez at Aifha Medina ang kanilang paghanga sa BINI, at sinabing proud sila sa narating ng Nation’s Girl Group.
Natanong sina Aira at Aifha tungkol sa pagkukumpara ng ilan sa SexBomb at sa BINI. Na sila talaga ang original Nation’s Girl Group.
Sey ni Aira: “Siguro noong time namin, deserved namin. Pero time ng BINI ngayon, we have to respect that.“
Dagdag pa ni Aira, kanya-kanyang panahon lamang ng P-pop groups pagdating sa pag-usbong ng kanilang mga karera, kaya dapat maging proud na nirerepresenta ng BINI ang bansa ngayon.
“Lahat tayo may timing sa buhay. Saka nire-represent nila ‘yung country natin. So we have to be proud, ‘di ba, sa narating nila,” dagdag ni Aira.
Sey naman ni Aifha: “Ibigay na natin sa kanila ‘yon. Tsaka hindi po kami nakikipag-compete.”
Magkakaroon ng dalawang araw na reunion concert ang Sexbomb na Get Get Aw! The SexBomb Concert sa Disyembre 4 sa Araneta Coliseum, at sa Disyembre 9 sa MOA Arena.
- Latest





















