Birthday ng mga ‘Marites’
Nag-celebrate ng kani-kanilang birthday ang dalawa kong kasamang hosts sa Marites University (MU) na sina Jun Nardo (September 25) at Rose Garcia (October 13) Bilang feeling ko close ako sa kanila, inilaan ko ang espasyong ito para sa kanila. (tribute ba ito?!)
Bago ako napasama sa MU, nakita ko si Jun sa isang media con na ako ang host. Nag-congratulate ako sa kanya dahil nakikita ko sa social media feed ko ang show nila. Sabi ko, ang ganda ng visuals ng show, glossy at mukhang pangmayaman. (‘di ko sya ineechos ha!) Nagpasalamat sya at sabi nya makakarating sa production team. (unless chinacharot nya lang ako!)
Si Rose naman, ini-interview na ako nung TV5 talent pa ako. (wala siyang choice!) Nakasama ko rin sya sa Bangkok Thailand na regalo ni Nay Lolit Solis sa aming mga anak-anakan nya. Kaya isa rin sya sa sinabihan ko ng congratulations nang makita ko ang post nya ng MU sa instagram. Nagpasalamat rin sya at biglang nag-volunteer na ipakilala ako sa mga boss ng MU. ‘Yun ang naging daan para ma-ging regular host na rin ako ng show. (may napala ‘yung mga pag-congrats ko ha!)
Sa mga avid viewers namin, maraming nagsasabing mataray si Jun habang matapang si Rose (so totoo ba?!)
Si Jun ay institu-syon na sa showbiz, (panahon pa ata ng Zarzuela!) hindi na bago sa kanya ang mga issue ng mga artista. (nakailang demanda na rin yan!) Alam na alam na rin nya ang pasikot sikot ng mundo ng entertainment. (kung saan-saan na rin sya dumapo!) ‘Yung sinasabing pagiging mataray nya ay normal sa kanya, pero hindi ‘yun para mang-away. Ganun lang talaga sya. Sa katunayan, maraming ang naaliw at natatawa sa mga hirit nya, kapag sinasabi nyang: “I don’t care!” I hate him/her!” at ‘yung mga pabitin nyang mga statements na: “Birds of the same…..” at ‘yung paborito nyang ibato sa’kin na “You are the root of all…..!” (that’s Jun Nardo for you!)
Si Rose ay beterana na sa pagko-cover ng showbiz events. (so payag ba siya sa term na beterana?!) Siya ang pinakamasipag sa aming mga hosts. Siguradong may bitbit syang showbiz news at updates. (walang makakapigil!) Sa mga presscon din naman kasi, sya ang masipag magtanong sa celebrities. Kapag may issue na hindi matanong sa mismong Q and A portion, gagawa sya ng paraan na makakuha ng statement. (walang makakaharang!) Kaya sa show, pinaninindigan nya mga hanash nya. (may resibo ang tita nyo!)
Happy Birthday Jun and Rose! Love, light and blessings! (with more Marites years!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest



















