^

PSN Showbiz

Ben&Ben, Jonathan at Robert, nagsama-sama

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ben&Ben, Jonathan at Robert, nagsama-sama
Ben&Ben at Jonathan

Nagsanib-pwersa ang Ben&Ben at sina Robert Labayen at Jonathan Manalo para sa kantang Alay Kapwa, ang bagong theme song ng Alay Kapwa program ng Caritas Philippines na nagbibigay-pugay sa mga donor at nag-eengganyo sa mga tagapakinig na suportahan ang programa.

“Through this, we honor those who give whatever they can, even when they have little,” sabi ng Ben&Ben, na kasalukuyang ambassador ng Alay Kapwa program.

“What makes this song so special is that it’s for a good cause, nag-e-encourage, nag-i-invite sa mga listeners to take part, maging parte ng movement ng Alay Kapwa,” ani Jonathan, ang head ng ABS-CBN Music creatives, content, and operations na siyang naglapat ng musika at nagprodyus ng kanta.

Binigyang-diin din ni Robert, head ng ABS-CBN Creative Communications Management division at siyang sumulat ng kanta, ang layunin ng awitin.

Aniya, “Ang purpose talaga nitong kanta sana maramdaman at mapukaw ang kanilang compassion, maramdaman nila na oo nga may mga taong nanga­ngailangan at meron naman akong talent na pwedeng i-share.”

Ayon kay Jonathan, inabot sila ng dalawang taon para matapos ang kanta at mapuno ng puso at pana­langin ang naging journey nila sa pagbuo nito. Kasabay ng paglunsad ng Alay Kapwa ang pagdiriwang ng ika-50 taon ng Caritas Manila.

ROBERT LABAYEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with