Angeline, nagka-diabetes sa katakawan

Na-stress si Angeline Quinto sa gestational diabetes.
Buntis sa kasalukuyan si Angeline kaya naman nag-worry siya na baka maapektuhan nito second baby nila ni Nonrev Daquina.
“Nakausap ko ‘yung OB (obstetrician gynecologist) ko, si Dr. Shirley and ipinaliwanag niya sa akin ‘yung mga naging result ng lab (laboratory) tests na ginawa ko yesterday,” aniya sa kanyang latest vlog.
“And nakakalungkot kasi nga, meron daw akong gestational diabetes. So parang sabi ko, ‘dok, ano ‘yun?’ sabi ko, ‘sa’n ko nakuha ‘yun kasi nu’ng nanganak naman ako kay Sylvio (first baby nila ni Nonrev), wala naman po akong ganu’n,’” aniya pa.
Pagkain ang dahilan kung ba’t siya may ganitong sakit ayon sa kanyang doktor.
“Aminado naman ako na parang medyo wala akong kontrol ngayon kasi nga ang dami ko ring ginagawang work, out of town tapos dito sa Manila.”
Apektado aniya siya dahil kinakain niya talaga ang mga gusto niya na hindi sana dapat.
“Kailangan nating magbago, Diyos ko! Ang lakas ko kasi sa kanin, ano ba ‘yan?!”
“Stressed ako,” sambit pa niya.
Actually ordinary namang sakit ng buntis ang gestational diabetes.
- Latest





















