^

PSN Showbiz

Sunshine, pinagdadamot ang lovelife

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, pinagdadamot ang lovelife
Sunshine Cruz

Hanggang maaari ay ayaw nang ibahagi sa publiko ni Sunshine Cruz ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Matatandaang kontrobersyal ang naging hiwalayan noong 2022 ng aktres at kapatid ni Ara Mina na si Macky Mathay. “After the very public relationship I had with my ex, I’d rather keep quiet na lang. I don’t want to talk about it right now. Balato n’yo na lang sa akin. I don’t owe anybody an explanation when it comes to my private life,” makahulugang pahayag ni Sunshine.

Masayang-masaya ang aktres para sa tatlong anak nilang babae ni Cesar Montano. Ayon kay Sunshine ay talagang proud siya sa mga naabot nina Angelina, Sam at Chesca. “My kids are okay. Si Angelina is in her last year at La Salle, a Dean’s lister and First Honors. Si Sam is in her first year college, also a Dean’s lister with Second Honors. Si Chesca took the exam at Ateneo and got in,” pagdedetalye niya.

Sa susunod na Linggo ay ipagdiriwang ang Mother’s Day. Para kay Sunshine ay ini-enjoy na lamang niya ang pagiging single mom para sa tatlong anak. “Mag-focus lang talaga. Ako kasi ginawa ko no’ng nahiwalay ako, nag-focus ako sa trabaho, nag-focus ako sa mga kaibigan na alam ko makakapagbigay advise nang tama sa akin because before you know it ayan na ‘yung anak ko, mag-23 (years old) na si Angelina, so enjoy n’yo lang,” paglalahad ng aktres.

Gerald, suportado ang balikan ng JoshLia

Muling magkakatambal sina Julia Barretto at Joshua Garcia para sa pelikulang Un/Happy For You. Suportado ng kasintahan ng aktres na si Gerald Anderson ang muling pagtatambal ng JoshLia. Para kay Gerald ay trabaho lamang ang gagawin ni Julia para sa mga tagahanga ng da­ting magkasintahan. Matatandaang nagkahiwalay sina Julia at Joshua noong 2019. “It’s exciting para sa mga fans nila, siyempre ‘di ba? I’m not sure ilang years ago sila huling nagkasama. But I’d been in that situation. Alam ko na marami silang mapapasaya na fans nila,” pahayag ni Gerald sa Cinema One.

Umaasa ang binata na maganda ang kalalabasan ng bagong pelikula nina Julia at Joshua mula sa Star Cinema. “They are both great actors. So alam natin na magiging quality ‘yung ilalabas nilang proyekto,” giit ng aktor. Reports from JCC

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with