^

PSN Showbiz

Debut ni Sofia binoycott ng mga dating kasama sa Prima Donna

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Debut ni Sofia binoycott ng mga dating kasama sa Prima Donna
Sofia Pablo.
STAR/ File

Ang daming selebrasyong tinutukan nung Sabado, April 20.

Star-studded ang sunset wedding nina Angelica Panganiban at Gregg Homan sa Siargao.

Simpleng kasalan na dinaluhan ng mga close friends ng aktres, kagaya nina Kim Chiu, Bela Padilla at Glaiza de Castro na bahagi ng kanyang entourage. Sila talaga ang “AngBeKi” plus si Glaiza.

Pero nandun din ang mga nakatrabaho ng aktres na naging malapit na rin sa kanya kagaya nina Anne Curtis, JudyAnn Santos, Eugene Domingo, Cherry Pie Picache, Maxene Magalona at marami pa.

Sinilebrayt naman ng Eat Bulaga ang 70th birthday ni Vic Sotto na dapat ay sa April 28 pa. Pero nasa Hong Kong na sina Bossing Vic sa araw na iyun.

Buong mag-anak daw silang lilipad ng Hong Kong para doon i-celebrate ang kaarawan ng Eat Bulaga host.

Mahigit dalawampu raw silang lilipad pa Hong Kong, pero maiiwan si Baby Mochi dahil masyado pa siyang bagets.

Sa gabi naman ay masayang sinilebrayt ni Sofia Pablo ang kanyang 18th birthday na ginanap sa Raffles Hotel sa Makati. Natupad ang gusto niyang concept na Tropical Hawaiian na talagang pinag-isipan niya nang husto.

Ang maganda lang sa selebrasyong ito ni Sofia, okay na okay ang magulang niya kahit matagal na silang magkahiwalay.

May iba nang pamilya ang Daddy niya, pero okay daw silang lahat. Mabait daw sa kanya ang stepmother niya.

At naintriga lang kami nang nalaman naming walang taga-Prima Donnas na nakadalo sa kanyang debut party.

Inaasahan na naming waley si Jillian Ward, pero sa pagkakaalam namin, okay na si Sofia sa iba niyang kasamahan sa Prima Donnas kagaya nina Althea Ablan at Elijah Alejo. Pero wala rin sila.

Totoo bang nandoon ang ex boyfriend ng isa sa taga-Prima Donnas?

Sa susunod na linggo pala ay magsisimula na siyang mag-taping sa bagong drama series ng GMA 7 na Prinsesa ng City Jail. Magkasama sila rito ni Allen Ansay. (“Inaaral ko po talaga is how to sound sort of jeje. Since lumaki nga ko ako sa tabi ng kulungan at naging barkada ko yung mga inmates.

“So, of course very detailed na kailangang magre-reflect na ah lumaki siya sa loob ng city jail. Iyun po yung challenge sa akin na paano ko kaya ang ganun?

“Nag-script reading kami kahapon, sabi ni direk Jerry (Sineneng), dear you sound so sosyal pa rin. You have to make it more masa. So, tina-try ko po talaga,” kuwento sa amin ni Sofia nang nakatsikahan naming bago ang kanyang debut.

Pepito… naintrigang matsutsugi na

Marami ang naintriga sa nakaraang Instagram post ni ­Michael V na magkakayakap silang mga cast ng Pepito Manaloto na may hashtag na #PepitoManaloto.

In-assume ng mga netizens na magtatapos na ang naturang sitcom na 14 years na rin sa ere.

Ang dami tuloy nagtatanong sa amin kung totoo ito.

Hindi raw totoo ayon sa aming reliable source. Hindi rin daw true  na magkaka-season break.

Akala kasi nila ay ito ang papalitan ng Running Man Ph na magsisimula na sa May 11 at 12.

Pagpasok ng Running Man Ph ay papalitan na nito ang Daig Kayo ng Lola Mo na napapanood tuwing Sabado ng gabi. Hindi magagalaw ang Pepito Manaloto.

vuukle comment

SOFIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with