^

PSN Showbiz

Anne, payag pag-artistahin ang anak

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Anne, payag pag-artistahin ang anak
Anne Curtis
STAR/File

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ngayon ni Anne Curtis para isang bagong pelikula.

Ang beteranong direktor na si Erik Matti ang gagawa ng action film na pagbibidahan ng aktres. “It’s something I’m super excited about. I think people nakikita naman nila na nagte-training na ako. Pero as we get closer to grind day, parang mas nagse-share pa lalo si direk Erik. Kaya I can’t just wait to share with everyone ‘yung details ng gagawin namin. Mas grabe ‘yung hours ng pag-training dito, pati ‘yung skills, ibang-iba siya talaga from what I did before,” nakangiting pahayag ni Anne.

Sumailam din ang aktres sa acting workshop para sa bagong proyekto.

Ayon kay Anne ay malaki ang mga naging pagbabago sa sarili mula nang maging isang ganap na ina. “Nag-acting refresher ako because when I became a mother, pati ‘yung pananalita ko I became soft spoken, malambot ang mga galaw. So that’s why I’m so happy I was given a lot of time to prepare,” paglalahad ng It’s Showtime host.

Apat na taong gulang na ngayon ang anak nina Anne at Erwan Heussaff na si Dahlia.

Kung sakaling gustuhin rin ng anak na maging isang artista ay talagang susuportahan ng aktres si Dahlia. “Siguro ‘yung pag-aartista or becoming an actress if that’s something she wants to pursue when she’s older, of course I’d be very supportive of her pursuing her dreams as an actress. Kung gusto niya pa mag-aral ng acting kahit saang school, I will try my best to hone her talent. But ang wish ko lang makatapos muna siya ng pag-aaral kung mag-a-actress siya,” pagbabahagi ng aktres.

Randy, nangakong sasamahan si Willie

Sa April 12 na gaganapin ang Eye Con concert ni Randy Santiago sa PICC Plenary Hall. Ayon sa nakilalang Mr. Private Eyes ay kakaiba ang matutunghayan ng mga manonood sa naturang concert. “’Yung concept na ginawa naming medyo ginawa naming dance. It’s a club experience. Tinanggal namin ‘yung mga love songs ‘yung mga gano’n, ‘yung beat niya para kang nagpunta ng mga club,” bungad ni Randy.

Magiging espesyal na panauhin ng OPM icon sa concert sina Pops Fernandez, Rachel Alejandro, Gino Padilla, Nina, Juan Miguel Salvador, JM Yosures, JM dela Cerna, Marielle Montellano, Khimo, Lyka Estrella, Jezza Quioge, LA Santos, Six Part Invention at ang Pinoy girl group na Calista. Ngayon lamang daw hindi aawitin ni Randy sa isang concert ang mga sariling kanta. “It’s a collab of all artists. Tinanggal ko ‘yung mga kanta ko for this concert. We’re bringing them to the ‘80s, to the ‘90s and present songs na bago na nilagyan natin ng club theme,” paglalahad niya.

Samantala, nagbigay ng reaksyon si Randy tungkol sa napababalitang pagbabalik ng programa ni Willie Revillame sa TV5.

Posible kayang maging direkor ang singer ng kaibigan para sa bagong programa ng Kapatid network? “Kapag nag-uusap naman kami nina Willie, alam mo naman ‘yon, ‘Samahan mo naman ako.’ Sabi ko, ‘Sasamahan kita bilang kaibigan.’ Siyempre alam naman niya na hindi ko na kaya ‘yung araw-araw. Kasi I still sing and I do my tour. Mawawala ako like mga US tours and all kaya mahirap,” pagtatapat ng singer. (Reports from JCC)

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with