^

PSN Showbiz

Catriona, binubura na ang photos ni Sam?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Catriona, binubura na ang photos ni Sam?!
Catriona Gray
STAR/File

Ine-enjoy ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang bakasyon sa Australia kasama ang mga magulang.

Ibinahagi niya ang kanyang quality time kasama ang mga magulang. Siguradong na-miss niya ang mga ito na hindi madalas makasama. Pinost din niya ang kanyang OOTD kung saan lutang ang kagandahan ng beauty queen.

Pinuri siya ng netizens sa ganda niya at blooming pa raw ito. “Quality time with the fam,” caption nito sa kanyang mga post ng mga litrato nila at pati na rin ng kanilang pagkain at pinuntahan.

Mukhang mahilig din siya sa mga halaman at isang plantita na base sa post niya ay kanyang future garden inspiration. Ayon nga sa netizens ay may green thumb pala siya at nasa kanya na ang lahat.

Mukhang nakapag-relax siya sa kanyang bakasyon at kasama na siguro roon ay nagkaroon siya ng time sa kanyang hilig sa halaman.

Samantala, kinukulit naman siya ng netizens at mga tagahanga kung kumusta na nga ba sila ng karelasyong si Sam Milby, o ex na nga ba?

Maaalalang matapos nilang ma-engage at planong ikasal ngayong taon ay naglabas naman ng pahayag ang talent agency nila noong buwan ng February tungkol sa kanilang breakup rumors.

Inamin nitong may pinagdaraanan ang magkarelasyon at sinusubukang ayusin ito.

Kaya lang napansin daw ng mga maritess na unti-unti na raw binubura ni Catriona ang mga litrato ni Sam sa social media. Kaya tingin nila ay mukhang hindi na raw talaga naayos ang problema ng dalawa at desidido na talagang tapusin ang relasyon.

Senyales na raw ay noong simulan nitong ‘di isuot ang kanyang engagement ring.

Hirit ng fans ay aminin na lamang nilang wala na talaga sila at ‘wag na silang lituhin. Pero ang ibang fans ay ‘di naman nawawalan ng pag-asa.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with