^

PSN Showbiz

Ang Koreanovela Diva

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

May isang nakakalokang episode ang aming Youtube Channel na Marites University. (well, lagi naman kaming loka loka!) May istorya kasi si Rose Garcia tungkol kay Kapuso talent, Faith Da Silva. (dapat knows na natin!) Pero ang nasabi ni Rose ay Faith Cu at biglang napatigil. Syempre ako na ang nagdugtong ng Cuneta?! Faith Cuneta! Nagkatawanan na lang kami nina Ambet Nabus at Jun Nardo hanggang sa hindi na kami maka-move on kay Faith at palagi na lang syang nababanggit. Pati mga live viewers namin, sinakyan ang trip namin kay Faith Cuneta!  Kaya ang ending, tinawagan sya ni Ambet para mag-guest sa show. (salamat kay Faith Da Silva!)

Agad namang nagpaunlak si Faith sa aming imbitasyon. Umawit sya ng ilang kanta para sa isang segment. Hindi pa rin nagbabago ang boses ng Koreanovela Diva. Sumalang din sya sa aming interview portion. (daming exposure ha!)

Naalala ko ‘yung mga panahon na nagkakasama kami ni Faith at kanyang manager na si Jacob Fernandez. Ito ‘yung mga panahong nangangarap akong makapag-showbiz. (pangarap na bituin!) Kaya na-excite naman ako sa muli naming pagkikita sa show. (wow parang close kami ha!)

Hindi man daw visible si Faith sa telebisyon, ay hindi naman daw sya nawawala sa sirklulasyon. (ikot-ikot lang sabi nga ni Sarah G!)

“Nagpapasalamat ako na kahit ‘di ako masyadong napapanood, hindi naman tayo nawawalan ng raket sa mga shows here and abroad.” Paglalahad ni Faith (gusto ko ‘yung pa-international flight!)

Tumatak na sa kanya ang pagiging mang-aawit ng mga theme songs ng Tagalized Koreanovela ng GMA, kaya naman hanggang ngayon, kinukuha pa rin sya ng Kapuso Network. (baka gusto rin nila akong kunin ha!)

“Actually marami pa rin silang pinapakanta sa’kin. ‘Yung iba cover songs. Meron din akong album sa spotify. “Pagbibida ni Faith (gusto ko ‘yung version nya ng Through the Years ha!)

May isa lang daw syang ginawa na sana raw hindi na lang nya ginawa, ang sumalang sa The Voice Philippines Blind Auditions ng ABS-CBN, bilang hindi umikot ang upuan nina Lea Salonga, Sarah Geronimo at Bamboo bilang judges. “Aaminin ko, sumama talaga ang loob ko, kasi ‘yung kinanta ko ‘yung Ikaw na matagal ko nang kinakanta at sila ‘yung nag-invite sa akin sa sumali dun. Medyo na-trauma rin ako.” (baka sira ‘yung mga upuan!)

Maliban sa kanyang mga singing engagements, busy rin sya sa pagiging nanay sa kanyang 6 na taong gulang na anak na si Ethan lalo pa’t nasa Amerika ang kanyang Amerikanong mister. “Kakaiba kasi ang set-up namin. LDR.  Nasa Amerika sya, every two months lang kami nagkikita. Either kami ang pupunta sa kanya, or sya ang pupunta sa amin. Ok naman, at least wala kaming time mag-away kasi minsan na ngalang magkikita kita.” (ay maraming imported goods!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

KOREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with