^

PSN Showbiz

Jolina, ayaw ring makasama si Claudine?!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Jolina, ayaw ring makasama si Claudine?!
Jolina Magdangal.
STAR/ File

Nauna nang balita ‘yung hindi na lang pinalaki ang ‘di pag-attend ni Jodi Sta. Maria sa Night of 100 Stars for Mr. M (Johnny Manahan) dahil kay Claudine Barretto na kinarir ang pag-attend.

For all we know, baka may prior appointment naman talaga si Jodi kaya ‘di siya nakadalo.

Pero bakit pala si pati si Jolina Magdangal ay isinasangkot din sa pagkakabangga kay Claudine? Dahil pa ba ito sa Iglot noon? Eh ‘di kung ganoon, ang dami palang umiiwas kay Claudine?

Sana sa paglipas ng panahon, nabago na ang lahat ng ito.

Pia, nagpapaka- relevant!

Ngayon ang launch ng bagong endorsement ni Pia Wurtzbach sa make-up line at napakaganda ng mensahe ng kanilang campaign with Iza Calzado na “Hindi sayang, I am worth it.”

Kay Iza, anak, masayang pamilya at thriving career at 41, sayang ba ‘yun?

Kay Pia, irrelevant after the crown? Ginawan niya talaga ng paraan para maging relevant siya at manatiling aspirational sa audience hanggang ngayon.

Compared sa ex-Miss Universe rin na si Catriona Gray, sino ba ang mas relevant at mas kinakapitan ng brands – si Pia ba o si Catriona? Bakit kaya?

Joey, nagpatawad na!

Umpisa na ngayon ang Eat Bulaga Drama Specials, with Selda Ng Kahapon with Joey de Leon, Paolo Ballesteros, Wally Bayola, Caren Eistrup with James Blanco.

Ok pa rin kaya ang taunang drama special na ngayo’y gawa naman ng Unitel?

Magpatawad, sabi rito ni Henyo Master Joey de Leon. Napatawad na kaya nila ang mga dating kasamahan sa trabahong tumalikod sa kanila?

Pink version ng Fil-Aus Queer, iniyakan!

Usap-usapan ang pink version ng Engineer na ipinakita ng Australian production ng Miss Saigon sa Manila.

Kahit alam na nating mga Pinoy ang istorya, bakit cry pa rin ang mga tao sa ending! But it’s Seann Miley Moore who steals the show as the EnginQUEER!  Grabe raw ang galing ng performance niya!

Teka, wala bang queer sa mga naunang nag-portray na Engineer or hindi lang ginawang all-out bading ang interpretation?

Or interesante rin kung madala rin dito ang version na babae at mamasan naman ang Engineer na ginawa naman ni Joanna Ampil sa UK, at man-of-color naman ang nag-play bilang Chris!

Nag-e-evolve talaga ang materyal through time. Paganda nang paganda. Dapat lang, ‘di ba?

Pingkian, hinihiritang i-extend!

Nagtapos na ang dulang Pingkian ng Tanghalang Pilipino sa CCP Blackbox Theater.  Marami pang gustong manood, ang tanong, may extension pa ba itong musical tungkol sa buhay ni Emilio Jacinto?

Kung hindi na available ang teatro dahil may nakapila nang gagamit sa Tanghalang Ignacio Gimenez ng CCP, bakit hindi sa parehong pangalan naman ng tanghalan sa UP ito ipalabas?

Ok pa ba ang sked ng mga artista? Sana!

Nakakata-quote:

“Na-realize ko lang. Maricel Soriano is our Peter O’toole and Glenn Close. So many celebrated and tour-de-force performances but never won an Urian. EVER. Sobrang nagulat ako ng malamang never pa siya nanalo ng Urian. Na-realize ko ito after watching Ikaw Pa Lang Ang Minahal at Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin. Nalungkot ako nang slight! Huhu.” – Phi Palmos theater, TV and film actor

vuukle comment

MR. M

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with