^

PSN Showbiz

Mga kapamilya actress, bibida sa women’s month

Pilipino Star Ngayon
Mga kapamilya actress, bibida sa women�s month
Jane de Leon

Bidang-bida ang husay, giting, at katatagan ng mga kababaihan ngayong Marso sa iWantTFC, ang tahanan ng Filipino stories, tampok ang mga kinagigiliwang programa at pelikula mula sa bigating mga aktres ngayon na libreng mapapanood at layong magbigay inspirasyon bilang pagdiriwang ng Women’s Month.

Itatampok ngayong Marso ang mga programang nagsasabuhay sa katapangan ng mga kababaihan, tulad ng hit superhero serye na Mars Ravelo’s Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon, ang palaban na karakter ni Maja Salvador na si Ivy Aguas sa 2017 trending series na Wildflower, at ang tinutukang Lobo saga na pinagbidahan ni Angel Locsin (Lobo, Imortal) pati La Luna Sangre ni Kathryn Bernardo.

Bida rin ngayong Marso ang pagmamahal ng isang ina sa iWantTFC original na Misis Piggy ni Sylvia Sanchez, habang mapapanood din ang nakatutuwang pakikipagsapalaran sa pag-ibig nina Pokwang at Melai Cantiveros sa We Will Survive.

Maliban pa rito, mapapanood din ang ilan pang pelikula na sumasalamin sa puso ng mga kababaihan.

Hatid nila sa mga strong, independent woman ang Judy Ann Santos classic na Bakit ‘Di Totohanin pati ang pangmalakasang crime-fighting movie ni Anne Curtis na Buy Bust.

Para naman sa mga ‘sister for life’ ang peg sa buhay, makitawa at hagulgol muli sa magkakapatid na sina Teddie, Bobbie, Alex, at Gabbie sa Star Cinema drama-comedy hit na Four Sisters and A Wedding. ?

Bibigyang-diin din ang mga sakripisyo ng mga kababaihan sa Nora Aunor classic na Bulaklak sa City Jail, at ni Vilma Santos na Ekstra.

Lahat ng ito, libreng mapapanood sa iWantTFC sa pamamagitan ng official app nito (iOS at Android) pati website (iwanttfc.com). Mapapanood din ang iba pang Women’s Month dedicated content sa Iconic Women at Girl Power selections nito.

vuukle comment

ACTRESS

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with