^

PSN Showbiz

Undefined Thoughts

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Blessing sa akin ‘yung napapasama paminsan minsan (pero sana mas dumalas pa ha!) ‘yung mga gawa kong Art of FU sa mga group exhibit. (para naman mapansin!) Masarap sa pakiramdam ‘yung maibahagi sa tao ‘yung “artist side” ko. ( wow artist daw o! At hindi lang ako puro koda!)

Nitong nakaraang linggo, isa ako sa labing pitong artist na nagbukas ng Undefined Thoughts art exhibit ng 22nd and 5th gallery sa 225 Bistro QC. (feeling talented sa art!) Kasama ko rito sina Lee Concepcion, Anthony Nanola, Criselda Nanola, Alex Medina, Walther Ocampo, Anne Labesores, Jade Lugtu, Ma. Luinette Belen, Leobel Tangonan, Vee, Elizza Reyes, Anna Dominique Santos, Isah Rodillo, Cathy Tan, Bianca Pascual and Kutz. (walang isyu sa billing ha!) Bawat isa sa amin ay nag-display ng dalawa hanggang tatlong obra para masilayan ng mga art enthusiasts and collectors. (na sana mag-buy ha!)Syempre may kanya-kanyang inspirasyon ang mga artist sa kani-kanilang mga likha.(‘yung sa’kin ata, inspired ng Claudine vs. Angelu. Chos!) Ang artist na si Valerie Teng ang nagsilbing curator dito. (thank you ‘te! Daig pa n’ya ang Hermana mayor sa pyesta!)

Tatlong abstract paintings ko ang nandito. (damihan ko sana kaso ayaw ko naman mang-upstage!) Isa dyan ay mas malaki na sa mga dati kong gawa. (baka sa susunod mural na gawin ko!) Lahat pa rin ay may temang soul at spiritual, bilang lagi kong sinasabing art is my soul. (soul daw o! Feeling mabait ako!) Thank you sa mga nagbibigay ng magagandang komento sa gawa ko. (unless chinacharot nyo lang ako!)

Tatlong bigating artist ang nagpaunlak na maging special guest ng exhibit. Sila ay sina Anita Del Rosario, Kenneth Montegrande at Roel Obemio. (dapat nakapagharbat ako ng artworks nila!)

Nagpapasalamat kami kina Marcus Ejercito, Erickson Amores, Jaffe Misa, Sebastian De Chavez, Tol Zarcal, Carlo Remo ,Giorgio Mamonluk at Jae Gamboa na mga magk–––akabigang mula sa 225 Bistro at naisipang magtayo ng art gallery. (pangalawang exhibit palang ito ng mga koya!) Nagsimula lang sa pagiging kolektor noon, pero ngayon tumutulong na mapalaganap ang talento ng mga artists. (at mga pogi sila ha! hello mga bro!)

Lilibot ang ang aming mga painting sa iba’t ibang lokasyon ng 225 Bistro ngayon buong buwan ng February (may bar tour ha! nasa ig nila ang schedule!) Pero makikita naman sa social media accounts ng gallery ang mga artworks. (na pwedeng tingnan at bilhin ha!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com 

vuukle comment

THOUGHTS

UNDEFINED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with