^

PSN Showbiz

Mang Inasal, naka-315-m views sa TikTok!

Pilipino Star Ngayon
Mang Inasal, naka-315-m views sa TikTok!
Mang Inasal

MANILA, Philippines — Sa nakalipas na dalawang taon, naging aktibo ang Mang Inasal sa digital. Ang official hashtag nitong #ILoveMangInasal ay mayroong 128,000 posts na konektado rito sa Facebook at may 315 million views and counting naman sa TikTok.

Inilunsad noong March 2022 ang Mang Inasal Creators’ Circle (MICC) kung saan mayroon itong 30 members na binubuo ng mommy nano-influencers and foodies na paborito ang Mang Inasal. Binuo ang MICC para pagsama-samahin ang mga totoong brand ambassadors at suportahan ang influencer journey sa pamamagitan ng pagiging bahagi na kampanya kung saan nae-enjoy nila ang Ihaw-Sarap food at Unli-Saya experience ng Mang Inasal.

Naging kapaki-pakinabang naman ang naging paglikha nito nang parangalan ng Black Dragon sa ilalim ng Best Brand Building/Awareness Campaign category sa prestihiyosong 2023 Dragons of Asia.

Bilang bahagi ng selebrasyon sa natanggap na parangal, ginawa ang MICC Meet Ups sa buong bansa gaya ng Mega Manila, North Luzon, South Luzon, Visayas, at Mindanao. Naglalayon itong personal na magkakilanlan ang creators at ibahagi ang kanilang MICC journey sa isa’t isa. Isinagawa rin ang isang virtual party bilang pagtatapos sa taon kung saan lahat ng miyembro ay nagkaisa via Zoom at sinelebreyt ang kauna-unahang MICC IHAWtastic Awards.

vuukle comment

MANG INASAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with