^

PSN Showbiz

Mang Inasal, sinimulan ang paggamit ng solar panels!

Pilipino Star Ngayon
Mang Inasal, sinimulan ang paggamit ng solar panels!

Sinimulan ng Mang Inasal ang pangako nitong pagpapanatili sa kalikasan sa pamamagitan ng pagkabit ng solar panel-mounted rooftops.

Ayon sa Mang Inasal President na si Mike V. Castro, ang ginawang hakbang na ito ay bilang suporta sa pagsisikap ng Jollibee Group sa pagbabago tungo sa renewable energy. “In support of Jollibee Group’s efforts to shift to renewable energy, Mang Inasal is taking initial steps towards environmental sustainability,” pahayag ng Mang Inasal President. “And being a highly franchised brand, we are thankful that our franchisees back us up in this endeavor.”

Nailunsad na sa kasalukuyan ang paggamit ng solar panels sa Sindangan at Molave stores nito sa Zamboanga.

Mas nagiging makahulugan naman daw ang pagpapatakbo ng negosyo kung nakatutok din sa pangangalaga ng kalikasan dahil hindi lang sila binibigyan nito ng mura at epektibong enerhiya kundi nakakatulong din ito na magbigay ng tiyak na mas makakabuting mundo sa mga susunod na henerasyon.

“Apart from the long-term savings on utility costs, we feel good knowing that we are able tocontribute to a cleaner environment by tapping renewable source of energy,” ayon sa Mang Inasal Sindangan franchisee na si Hanzel Uy.

Nakabuo naman ng humigit kumulang na annual savings na 48,000-kilowatt hour at nakabawas sa carbon dioxide emission na 34,000 kg sa pagkakabit ng solar panel-mounted rooftops.

vuukle comment

MANG INASAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with