^

PSN Showbiz

Nanay naka-appreciate Andrea, ‘di apektado sa mga intriga

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Nanay naka-appreciate Andrea, �di apektado sa mga intriga
Andrea Brilliantes
STAR/ File

Talagang getting older makes you more sentimental. Lalo na sa isang tulad ko na active pa nga sa showbiz pero mas close sa senior stars kesa sa mga bagong lumalabas na young stars.

‘Yung nagugulat pa nga ako nang padalhan ako ng fruits and flowers nina Jane de Leon at Belle Mariano.

At lalo akong magulat kung sa napakalayong bahay ko sa Fairview ipahahatid. Naloka ako nang magising ako at sabihin ni Mel (kasama ko sa bahay) na pumunta ang mother ni Andrea Brillantes sa bahay para maghatid ng regalo.

Never pa kami nag-meet ni Andrea o nag-usap sa phone. Kaya naman nagulat ako na nakapunta sa bahay ko na napakalayo ng mother niya. Sobrang appreciation ko na nagawa nila ito.

Nauna ko nang sinabi ko na hanga ako sa ugali ni Andrea na very transparent, at parang no care sa mga gusto niyang gawin.

Kasi nga mas gusto ko ang mga tao na unconventional, hindi ‘yung sumusunod lang sa rules ng society dahil nag-iingat sa image nila.

Basta ang mantra mo sa buhay kahit medyo selfish ‘yung dapat mauna ‘yung gusto mo, ‘yung kung saan ka happy.

You owe it to yourself first bago sa iba, hindi ba?

Kaya humanga ako kay Andrea dahil sa ganu’n niyang attitude. At kahit ano pang sabihin I stand with my gut feel na Andrea Brillantes will be one of our hottest stars basta lagi siyang professional at mahusay makisama.

Hindi siya maapektuhan ng mga tsismis at intriga dahil very open siya sa kanyang ginagawa. So be it, hintayin lang natin at makikita natin na tama ang prediction ko. Lalo pa nga at very supportive ang mother niya sa career ng anak niyang si Andrea.

Thanks again and Merry Pasko, Andrea Brillantes and family. Bongga.

vuukle comment

BELLE MARIANO

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with