^

PSN Showbiz

Pa-kilay live online!

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Hindi ako nanonood ng mga live selling sa facebook. (baka wala naman kasi akong pambili!) Pero naaliw ako kapag may mga nadadaanan ako sa wall ko. (maliban dun sa mga hubad na boylet na nakikita ko!) Kakaiba ang e-nergy ng mga nagbebenta. (sana lang talaga may bumibili ha!) Kanya-kanya ng gimik. May barubal magbenta. (‘yung bibig ayaw ng MTRCB!). May pa-sexy. (padibdib for girls, pabukol for boys!) May mga artista na rin. (si Mariel Rodriguez nga may bonus pang Senator Robin Padilla and his…sex appeal!)

Kung dati palaging mga damit at bags ang nakikita mo, ngayon kahit ano pwede na ilako tulad ng mga pabango (na ‘di mo naman maaamoy online!), mga plato at baso, mga display sa bahay, mga laruan, at kahit mga halaman! (baka nga booking meron na rin!)

Feeling ko naman, may talent akong mag-convince ng mga tao. Ang ‘di ko sure if kaya ng powers ko maging online seller! (unless may sure buyer!) But no! Last week, napasabak ako sa isang facebook live. (bilang hayok ako sa raket!) Nagsimula ang lahat nang maimbitahan akong mag-ribbon cutting sa opening ng isang branch ng House of Brows and Lashes sa Parañaque. Naisip ng may-ari na sina Bryan at Tin na i-explore ang pagla-live sa facebook featuring my kagandahan! (at kaseksihan ha!)

Tinawag namin itong HBL live with Mr. Fu! (brainstorming pa ng 5 days ang title na ‘yan!) Sa loob ng isang oras, ipapaliwanag ang mga services na may kinalaman sa pagkikilay at pagpipilik mata. (may mga pa-labi rin at pa-kinis ng fez!) May Q&A portion din para mas maipaliwanag ang proseso at effect ng anumang procedure na gusto. (hindi kasali rito ang pa-sex change ha!)  May mga kasama akong angels sa background na sina Loren, Ann at John na tumutulong sa’kin sa mga tanong at mga paandar ng show. (para maka-harbat din ng clients online!) Sila at ang kanilang mga kasamahan sa 27 branches nationwide ay trained ng Chief Artist nilang si Ms. Catherine. (na may accreditation sa Korea!)

Sinamahan din namin ito ng pa-game na What’s in the Jar?! (bagong bagong concept ha!)  Huhulaan lang ang laman ng kinakalog kalog ko sa mala-king garapon, at pwede nang manalo ng vouchers na magagamit sa HBL services. (kahit pa-kilay ka everyday! chos!)

Bilang Holiday Season, may paandar din na silang major discounts. (major kasi hanggang 80 percent off!)  Kailangan lang manood ng  HBL live with Mr. FU tuwing Biyernes, 12:45 pm sa Facebook account na House of Brows and Lashes Main. (balak din ata akong kilayan ng live!)

Alam naman nating maraming may concern sa kanilang kilay. (‘yung gasgas na linyang kilay is life!) Marami rin ‘yung may gustong pagka-gising nila sa umaga, pak na pak na kilay at pilik mata nila. (‘yung gasgas na linya na ring woke up like this!) Wala na ring pinipiling gender identity (na napakarami ng kategorya!) ang mga nagpapagawa. (wala akong pa-jacket pero… bigyan ng kilay ‘yan!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com.

vuukle comment

LIVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with