^

PSN Showbiz

Direk Joel nakipagsapalaran sa Lotto, gustong idirek ang KathNiel at si Alden

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Direk Joel nakipagsapalaran sa Lotto, gustong idirek ang KathNiel at si Alden
Direk Joel Lamangan

Tumaya kahapon sa Lotto si Direk Joel Lamangan.

Five hundred million na ang mapapanalunan sa Lotto as of yesterday. Habang sinusulat namin ito ay wala pang resulta ang bola ng 9:00 p.m.

Pero tumataya lang daw ang award-winning director / actor ‘pag malaki ang premyo.

“Pag nakita kong halimbawa, 350 million, tumataya ako,” sabi ni Direk Joel sa isang instant chikahan kahapon bago manood ng premiere ng Family of Two.

Magkano ang tinaya mo Direk? “100 pesos lang,” aniya.

Why not nga naman. Baka makasuwerte siya.

Anong gagawin niya sakaling manalo ka?

“Maloloka ako. Hahaha. Magdidirek ako ng sariling pelikula.”

Nagkita kami kahapon bago manood ng pelikulang Family of Two. Personal siyang tinawagan ni Sharon Cuneta para panoorin ang pelikula nila ni Alden Richards.

Anyway, susunod niyang papanoorin ang GomBurZa, Becky and Badette, When I Met You In Tokyo and Firefly sa 10 official entries ng MMFF.

Exciting talaga ang Metro Manila Film Festival this year dahil kanya-kanyang bet ang mga manonood.

Sayang kasi talaga na nawalan ng function ng Cinema Evaluation Board (CEB) na nagbibigay ng rating sa mga pelikula. Sila ang nagsisilbing guide  kumbaga sa moviegoers dahil sa mga binibigay nilang rating.

Anyway, sa young generation ng mga artista, gustong makatrabaho ni Direk Joel sina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

Pero gusto ni Direk Joel na challenging ang role na gagawin ni Daniel, ‘yung may lalim.

Sabat ni Gorgy Rula, ‘yun tipong macho dancer siya o callboy.

“Oo dapat ganun, ‘yung may lalim talaga para mailabas niya ‘yung husay niya,” pag-agree ni Direk Joel.

Well, may point naman si Direk Joel.

vuukle comment

DIREK JOEL LAMANGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with