^

PSN Showbiz

Anne, binilad ang kilikili!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anne, binilad ang kilikili!
Anne
STAR/ File

Ang bongga naman ni Anne Curtis at daughter niyang si Dahlia na rumampa sa Boracay.

Makikita sa post ng It’s Showtime host ang pag-hair flip ng anak na ipinapakita ang kanyang braids sa beach.

Lutang ang kakikayan nito na manang-mana sa kanyang Mommy Anne at talagang mini-me ito ng actress at TV host.

Caption nito sa litrato ng anak na cute na cute sa kanyang braids, “We decided to do the full bora experience. wait for it.”

Pinasalamatan din niya ang gumawa ng braids sa buhok ng anak.

Sa isa pang post ay lutang na lutang naman ang kaseksihan ng nanay ni Dahlia at misis ni Erwan Heussaff suot ang kanyang black two-piece bikini sa beach.

Caption nito sa litrato kung saan kailangan daw niyang magpa-tan pati ang kanyang kilikili na kanyang tila binibilad na napakaputi at napakakinis, “Beach, please. I need a tan and so does my kilikyler.”

Kaya naman hindi napigilan ng netizens at kanyang mga tagahanga na magkomento sa kaseksihan nito na nagpaka-hot momma sa beach. May netizen pa na nagkomento na nakakasilaw raw sa puti ang kilikili nito at napansin ding wala itong stretch marks.

Ang bongga talaga ng mag-inang Anne at Dahlia. Kaya naman nakaabang ang fans kung papasukin din ni Dahlia ang showbiz dahil ngayon pa lang ay makikitang nagmana ito sa kanyang mommy.

vuukle comment

ANNE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with