Pops, excited maging lola

Pops Fernandez

Lola na sa December si Pops Fernandez.

Yup, magkaka-baby na ang eldest son nila ni Martin Nievera na si Robin.

Baby boy ang kanilang first apo. “His partner Mia is giving birth to a baby boy. Gusto ko sana, girl naman, so we can go twinning. But a baby is a blessing, boy or girl man. Basta sabi ko, ang ipatawag sa akin is Lolli-Pops,” banggit ni Pops sa mga nakausap sa presscon ng 40th anniversary concert ng mga haligi ng Original Filipino Music (OPM) na sina Nonoy Zuñiga, Rey Valera, Hajji Alejandro and Marco Sison, ang Hitmakers XXceptional, na ang orig concert queen ang producer with Ms. Flor Santos.

At ngayon pa lang, aminado si Pops na magiging spoiled ang apo sa kanya. “Kaya lang, they’re so far and I’m based here. I’m sure dadalas ang visit ko sa kanila.”

Samantala, ayon kay Pops masaya na siyang walang lovelife.

Maaalalang na-link siya dati kay former governor Chavit Singson pero ayon sa pulitiko tropa lang talaga si Pops at wala silang romantic involvement sa isa’t isa.

Susog ni Pops : “Wala talaga. Masaya naman ako as of now. I’m happy where I am. Single, but not sad at hindi naman ako naghahanap. Pero kung may darating na worth it, why not?”

Like Pops, minsan ding na-link si Vina Morales kay Gov. Chavit pero sa kasalukuyan ay maligaya ang puso nito sa American boyfriend na si Andrew Kovalcin.

“I’m so happy for her. Wishing her all the best. But me, I just now focus on my own life. When I chose to move on and do things on my own, I have accepted where I am now and I realize I’m already in a happy place. I have a song titled Always Loved, which I myself wrote, and its message is that before you know where you want to be and discover where you really want to go, you have to love yourself first.”

Samanta, hindi masyadong bet ni Hajji na magmukhang trying hard (TH) na kumanta ng mga kanta ng younger generation of Pinoy singers tulad ng P-pop group na SB19.

Katwiran ni Hajji at ng fellow Hitmakers na sina Rey, Nonoy at Marco na hit at ang signature songs naman nila ang dinarayong panoorin ng loyal fans.

Hirit ni Hajji, “Since we are entertainers, we are there to entertain them. So ‘yun ang two cents’ worth ko.”

Ayon naman kay Rey, “Sa experience ko, masuwerte naman ako at ‘yung mga kanta ko, eh, nagamit sa mga telenovela. Naku-cover ng mga bata o millennial na generation, kaya masasabi ko na meron ding mga nakakakilala sa aking medyo bata-bata.”

 “Alam nila kung saan kami nanggaling, alam nila kung ano ‘yung paghihirap na inabot namin o kung papa’no kami nagsimula pare-pareho. At na-realize ko rin na parang kaya sila nandiyan pa rin ay parang nakadugtong ang kanilang memories of the past with our songs. Through our songs, naaalala nila ang dati nilang boyfriend o ‘yung panahon na nag-uumpisa pa sila. Ganu’n din ang nararamdaman ko kapag nakakarinig ako ng mga lumang kanta na kasabayan ko noon.

“Ang feeling, iba, eh. May nostalgic, merong parang nakakabata in a way. Palagay ko, ‘yun ang gustong maramdaman ng mga nanonood sa amin na maalala nila ‘yung nakaraan. Eh, ‘yun naman ang pinipilit talaga naming ibigay dahil nga ‘yun lang naman ang papel namin sa mundong ito, eh. Ibigay ‘yung feelings na nami-miss nila somehow.

“Sa gan’tong edad namin, although nagkaroon ako ng mga show na ini-insist ng producer na kumanta ako ng mga Ed Sheeran o kung anu-anong mga bagong kanta, well, siyempre, gagampanan ko naman. Although with some, nanghihingi ng konting pasensya na sinasabi ko kaya ko lang naman ginagawa ito, napipilitan lang. Pero hindi ‘yon talaga ang habol ko na magpa-request pa sa mga bata. ‘Yun ang ibig kong sabihin. Tama si Hajji,” pag-ayon ni Rey kay Hajji.

Na totoong-totoo naman dahil iba pa rin ang mga kanta noon, masarap sa tenga,

Anyway, ang Hitmakers XXceptional The 20th Anniversary concert ay gaganapin sa The Theatre at Solaire sa Dec. 1. Produced ito nina Pops Fernandez (special guest din) at Flor Santos ng Dream Wings Productions, Inc.

Show comments