Inilahad ni Diego Loyzaga kay Toni Gonzaga sa You Tube show nitong Toni Talks ang lahat na mga pinagdaanan niya nung tumigil siya sa pag-aartista nung 2018 habang nasa Los Bartardos ng ABS-CBN.
Inamin niya nung panahong iyun ay pumasok daw siya sa isang rehabilitation center, at doon ay naging religious siya at naging prayerful.
Nilinaw din niya ang tungkol sa pagkakaroon ng anak sa kanyang non-showbiz partner na pinlano raw talaga iyun at gusto sana niyang siya ang mag-announce sa publiko. Pero naunahan daw siya ng balita kaya nainis daw siya dahil gusto niya sanang siya ang magsabi, dahil moment daw niya iyun. Kaya naman ipinost na rin niya sa kanyang Instagram account. “I was excited. I was ecstatic to post it actually. Silang lahat, wait lang, kalma lang,” bulalas niya.
“So, now people think I came out because somebody else leaked information. But no, not really. So, I had to come out and say it na rin,” dagdag niyang pahayag.
Kahit ang Mommy daw niyang si Teresa Loyzaga ay alam ang tungkol sa plano nilang magka-baby kaya hindi raw aksidente iyun, kundi talagang nakaplano raw iyun.
“She was planned. She was one hundred percent planned,” sabi pa ni Diego kay Toni na masayang-masaya sa kanyang baby girl.
Pero ang isa pang inamin niya kay Toni, wala raw siyang balak na magpakasal, dahil para sa kanya ay kapirasong papel lang daw itong marriage.
“I don’t believe in marriage. It’s a piece of paper for me,” pahayag niya. “Kunwari lang ha? You and me, we agree on everything.
“There’s not a spot or piece of line or paragraph that we don’t agree on. Absolutely, everything on crystal clear.
“Ang sa akin lang kasi, is if ever we fight in the future and gets to the point na ayoko na sa ‘yo, ikaw galit na galit ka na sa akin, it’s not a big matter of having to somewhere and get annulled. Get divorced. Wala naman tayong divorce. Pero, it’s because growing up, I grew around it so much. And I got to see it so much. Yung separation.
“I mean aside from my own parents. Until malabo.
“Minsan we’re doing it for the kids. We’re just...okay. Why do we have to sign a piece of paper? What do you get in the end di ba?”
Para sa kanya, hindi naman daw ito makakaapekto sa kanyang anak.
“I don’t think a kid would see any difference from a married couple’s household and someone who’s living together’s household. You abide by the same rules,” sabi pa ni Diego.
Sa ngayon ay masaya na raw siya sa kanyang kalagayan, at ang isa sa ipinagpasalamat niya ay naging maayos na sila ng kanyang amang si Cesar Montano at naintindihan na raw niya ang lahat.
Kaya naging close na sila ng kanyang Daddy, at close na silang dalawa.
Ibang host ng EB, kokontratahin na rin
Seryoso na ang TAPE, Inc. sa pag-handle sa mga bagong .
Pagkatapos ng finals ng BPop Idols, pinapirma na nila itong kontrata para maging regular sa Eat Bulaga.
Anim ang members nito na pumirma kasama ang CEO at Presidente ng TAPE na si Cong. Jon Jalosjos at si Soraya Jalosjos na siyang Executive Vice-President for Production.
Limang taon ang kontrata na binubuo nina Barbie, Joana, Audrey, Swaggy, Jade at Yzabel.
Sabi pa ng legal counsel ng kanilang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham, papipirmahin din ng kontrata ang iba pang co-hosts. Sina Paolo Contis at Isko Moreno pa lang ang nakakontrata sa kanila.
Sabi pa ng ibang taga-Eat Bulaga, sobrang happy na raw sila ngayon sa kanilang programa.Bumalik na ang dating madami nilang commercials. Ang dami na raw nag-sponsor sa mga segment nila.
Lumalaban na rin sila sa ratings ng E.A.T. sa TV 5.
Matatapos na ang kontrata nila sa December 2024, pero mga bandang mid of the year pa lang ay mapapag-usapan na ang renewal. “But as early as now, TAPE cannot see any network which can handle it the way GMA does.
“Hence, TAPE will definitely renew.”