^

PSN Showbiz

Ken, may nararamdaman kay Jillian!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ken, may nararamdaman kay Jillian!
Jillian.
STAR/ File

Nami-miss pala ni Ken Chan ang magkaroon ng ka-love team.

Napapanood siya ngayon sa seryeng Abot-Kamay ng Pangarap na pinagbibidahan ni Jillian Ward. Lutang ang chemistry nila sa serye ng Sparkle star.

Kilig na kilig din ang fans sa pagiging malapit nila sa isa’t isa tuwing behind the scenes.

Ito nga raw ang dahilan kung bakit bigla niyang na-miss ang pagkakaroon ng love team dahil pakiramdam niya ay meron siyang karamay palagi.

Pahayag ng Kapuso actor, “Nakaka-miss din pala kasi ‘pag nasa love team ka, para kang may karamay lagi, para kang may kasama araw-araw na pagpapalagian mo ng loob.”

Kaya naman umaasa ang fans sa love team nila ni Jillian at kung magkakadebelopan sila. Single naman sila pareho kaya walang problema at bagay na bagay rin sila.

Inaabangan ng mga ito kung sino ang magiging suwerteng babae na makakarelasyon nito.

Niña, hindi marunong mainggit!

I-congratulate natin si Niña Taduran na na-assign na sa Department of Agrarian Reform as undersecretary.

Bongga rin dahil very deserving naman talaga si Niña Taduran sa anumang ibigay mong trabaho sa kanya. Very deserving siya dahil hindi siya ‘yung tipo na maiinggit sa kapwa niya na nabibigyan ng trabaho. Basta siya ginagawa lang niya ang dapat niyang gawin.

Kaya naman blessed si Niña na habang nagtatagal pataas nang pataas ang nagiging posisyon sa anumang ibigay sa kanya.

Niña Taduran is a perfect example of a very professional leader na dapat talagang hangaan. We love you, Niña Taduran, go fly higher.

vuukle comment

JILLIAN WARD

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with