^

PSN Showbiz

Thea, taun-taon may reward sa sarili

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Thea, taun-taon may reward sa sarili
Thea Tolentino

Ang bongga naman ni Thea Tolentino. Nag-post siya ng kanyang trip sa Japan kung saan siya nagselebrayt ng kanyang 27th birthday pero hindi lang ito basta trip kundi reward din niya ito sa sarili.

Nagsilbing inspirasyon ang post niya sa mga kagaya niyang breadwinner na nakakalimutan na ang sarili.

Caption niya, “Being a breadwinner taught me to be practical. Pero minsan nasosobrahan. Noong una, I don’t reward myself for the hard work I’ve been doing.”

Sixteen years old pala siya nang magsimula siyang pasukin ang showbiz noong 2012. Hindi raw niya naisip noon na makakapag-travel siya sa Japan hanggang sa niyaya siya ng isang kaibigan. Simula raw noon ay yearly na siya nagpupunta ng Japan ‘pag may oras siya.

“Since then, I reward myself by traveling to Japan every year when schedule permits. I would watch concerts, get lost, meet new people... and those 1-2weeks of traveling was enough reward for me for the whole year.”

Kaya naman pinaalalahanan niya ang mga gaya niya na ok lang na bigyan ng reward ang sarili paminsan-minsan lalo na ang mga puro trabaho lang dahil deserve ng lahat ng pahinga at hindi rin daw kailangan ng magastos.

“May this post remind you to reward yourself from time to time. Deserve natin to from all the hard work at hindi naman kailangan expensive,” sey ng Sparkle star.

Maine, tambak ang trabaho pagkakasal!

Dapat malaman ng lahat na sobrang busy ni Maine Mendoza ngayon sa rami ng commercials na gagawin niya plus iyon yatang serye na sisimulan na nilang gawin para sa Triple A.

Naku baka sa sobrang trabaho, hindi na matuloy ang binabalak nilang long honeymoon ni Arjo Atayde dahil magiging busy rin ito sa trabaho sa Congress.

Bongga talaga ang Maine ha, lucky charm talaga ni Arjo.

vuukle comment

ACTRESS

THEA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with