^

PSN Showbiz

Robi, gustong magpalamon sa lupa dahil sa pagkakamali

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Robi, gustong magpalamon sa lupa dahil sa pagkakamali
Robi Domingo

Kahit mahigit isang dekada na mula nang magsimulang ma­ging TV host ay nakararamdaman pa rin ng kaba si Robi Domingo sa tuwing tumatapak sa entablado.

Ayon sa binata ay mayroong mga pagkakataong matindi talaga ang kanyang takot na nararamdaman kapag nagho-host. “Always, every time I go on a stage or platform kinakabahan ako and there are moments too na hindi ko kinakaya or baka mamaya napangunahan ako nang kaba. But I also look up to my fellow hosts na nakakasama because they bring in different kind of flavor and I learned from them. That’s why I love doing my job because I learn so much and I hear lots of stories,” pagtatapat ni Robi.

Mayroong mga hindi makalilimutang pagkakataon ang binata dahil sa ilang pagkakamali niya sa trabaho. “There were two major ones. There was a time in 2014, I remember the date kasi it was the first season of The Voice of the Philippines. It was the semi-finals and Ms. Toni Gonzaga had a prior commitment. So sabi sa amin ng production biglaan na, ‘We’re not going to get another host. Ang mangyayari, you and Alex (Gonzaga) will level up. Kayo ang magiging main host. I saw Direk Lauren (Dyogi) na proud na proud. My first words were, ‘Magandang Kapa­milya!’ And then Alex was like, ‘Pards, nakalimutan mo ‘yung ‘gabi!’ I was like, ‘Magandang Kapamilya gabi!’ So wala, that was my major boo-boo. After that, sabi ko, ‘Hindi pa natin time. Backstage muna tayo. Wala, balik na tayo,’” nakangiting kwento ng binata.

Minsan ding nagkamali si Robi habang nagho-host ng Miss Earth Philippines. Hiyang-hiya raw noon ang aktor kay Christopher de Leon dahil sa nabitawan niyang mga salita. “We rehearsed it pero biglang nagbago ‘yung prompter, iniba ‘yung sequence. So what happened was, I was with a female host. And then sinabi ko do’n ‘yung ‘Please welcome our board of judges. We got an actor, a pillar of Philippine showbiz. Please welcome Mr. Chrisos­topher de Leon.’ And the look of sir Christopher was like, ‘Oh my God!’ Gusto ko na magpalamon sa lupa no’ng na-realize ko. Wala na, wala na akong babalikang trabaho after no’n. So ‘yon ‘yung moments na, ‘Ano ba nangyari?’ Pero salamat at nangyari,” pagbabalik-tanaw ng TV host.

Tony: ‘i see myself growing as an actor!’

Hindi inasahan ni Tony Lab­rusca na mainit na tatanggapin ng mga manonood ang Nag-Aapoy na Damdamin na pinagbibidahan nila nina Jane Oineza, Ria Atyde at JC de Vera.

Napapanood tuwing hapon sa TV5 ang naturang serye. “It’s nice nakikita na namin ang reaction ng tao. Napapanood nila hard work naming lahat. Good reasons to be honest. Masaya ako sa support ng mga tao,” bungad ni Tony.

Para sa aktor ay baguhan pa lamang siya sa show business kaya mas pagbubutihin pa ang trabaho upang masuklian ang mga papuring nakukuha mula sa manonood. “I get so encouraged when I see people’s reactions and how our show affects people. It makes it all worth it to see na you’re part of something much bigger, help people get out of their world, live in a fantasy. We live in a third-world country, we need to escape. It’s nice, it’s a gratifying feeling,” paglalahad ng binata.

Nagpaka-daring si Tony sa bagong serye.  Isa sa mga inaabangan tagpo rito ay ang intimate scenes nila ni Ria Atayde. “I’m playing such a mature role. I see myself growing as an actor and entertainer. I had to be mature. Kakaiba, first time, it’s very intense. Everybody always asks, ‘Tony, sanay ka na ba sa sexy scene?’ You never get used to it. It will always surprise you ‘pag gagawin ang eksena. Swerte ko kasi kami ni Ria, wala kami ginawa kundi tumawa in between our takes. We were both in the same boat,” pagtatapos ng aktor. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTOR

HOST

ROBI DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with