^

PSN Showbiz

Neri, gustong tulungan ang mga kababaihan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Neri, gustong tulungan ang mga kababaihan!
Neri Naig

Ang bongga naman ni Neri Naig dahil author na rin pala siya ngayon.

Ibinahagi niya ang kanyang excitement sa kanyang post kung saan ipinakita niya ang cover at pre-order link ng kanyang bagong libro na ire-release sa darating na October na may titulong Wais Na Misis: The Wise Homemaker.

Sinigurado raw ng misis ni Chito Miranda na isinulat niya sa libro ang lahat ng natutunan niya sa buhay kasama ang mga pagkakamali at natutunan sa mga ito. Ito raw ang magsisilbing gabay ng mga makakabasa kung sakaling mapunta sila sa ganoong sitwasyon.

Caption niya: “I am excited sa book na to! Sinigurado ko talaga na lahat ng natutunan ko sa buhay, lahat ng pagkakamali at lessons after nun, iniligay ko sa boom. Para sa lahat ng makakabasa, may guide kayo kung ano ang dapat o maaaring gawin kapag nasa ganun kayong situation.”

Humingi rin siya ng suporta sa mga tinawag niyang “ka-Wais sa buhay.” Hinikayat din niya ang mga kababaihan na magtulung-tulong na mapabuti ang buhay ng lahat.

“Tayong mga kababaihan dapat tulong tulong tayo para mas mapabuti ang mga buhay natin, hindi lamang bilang buhay misis kundi sa buhay buhay,” dagdag niya.

Siguradong marami ang bibili ng kanyang libro dahil isa si Neri sa mga inspirasyon ng mga gustong umasenso dahil kilala talaga siya sa pagiging wais na misis.

vuukle comment

NERI NAIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with