^

PSN Showbiz

Mansion nina Manny at Jinkee sa Gensan, P2 Billion ang gastos

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mansion nina Manny at Jinkee sa Gensan, P2 Billion ang gastos
Manny and Jinkee Pacquiao

Grabe, worth P 2 Billion pala ang ipinatatayong mansion ng mag-asawang Manny and Jinkee Pacquiao sa General Santos.

Two hectares daw ang lot ng nasabing bahay sa kanilang probinsya.

Ito ay sa kabila ng intrigang wala nang pera ang former senator dahil sa nakaraang election.

Though ‘yung laban pala nito sa South Korea recently, exhibition fight, kumita ito ng $2.5 million dollars na P140,178,750.00 sa ating pera.

Malaki na para sa atin pero maliit daw ito sa status ni Manny.

Samantala, sa June 6 pala lalabas ang final decision ng kaso ni Manny sa Amerika kaugnay sa breach of contract niya sa Paradigm Sports Management.

Naunang nahatulan ng hurado ng California na nagkasala si Pacman sa paglabag sa kanyang contract sa Paradigm na pag-aari ni Audie Attar.

Nag-uutos ito kay Pacquiao na magbayad ng kabuuang $5.1 milyon (mga P281 milyon).

Pero ayon sa narinig kong kuwento, baka diumano mas malaki pa ang bayaran ni Pacquiao sa ilalabas na final verdict ng korte sa Amerika.

Idinemanda ng Paradigm si Pacquiao matapos itong lumabasn kay Yordenis Ugas para sa WBA welterweight title sa kabila ng pagkakaroon ng kontrata sa Paradigm na pinirmahan niya noong 2020 bago ang pandemic outbreak.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with